Sunday, June 20, 2010

Kamalayang Malaya:Hustisya

Kelan ba natin mararanasan na maging malaya kung mismong mga tao sa ating paligid eh nakakulong sa sariling paniniwala.
Kung ang tama ay ginagawang mali at ang mali ay hindi na inaalintana...

justice Pictures, Images and Photos
Sa aking musmos na kaisipan nasaksihan ko, kung paano ang aking ama na naghirap at napatawan ng maling parusa....

Natatandaan ko pa ang araw na iyon, ang araw kung saan ang aking ina ay halos mamatay sa kawalan ng pag-asa dahil ang aking ama ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sa salang hindi man lang niya nagawa.
Wala kaming magawa, wala kaming malapitan at mahingian ng tulong para mapatunayan na walang sala si Itay.

Mayaman ang nagparatang sa aking ama ano pa laban namin, sapagkat kami ay isang dukha lamang. Isang kahig isang tuka na nga lang kami maghahanap pa ng magaling na abogado para lang maipagtanggol si Itay. Ang tangi lang laban namin ay ang malinis na konsensya ni Itay.

Napatanong ako sa aking Inay habang nakikita ko ang aking Itay na papalayo samin at dadalhin na sa bilangguan ng mga tao, "Inay, mayayaman lang po ba ang may karapatan na makakamit ng tunay na hustisya?"
Bakit ang mga mahihirap kahit walang kasalanan eh madali lang ipakulong samantalang ang mga mayayaman kahit alam na at hayag na ang kasalanan eh hindi basta basta nakukulong.
Kung makulong man eh parang hindi pa rin nila nararamdam ang hirap o ang parusang pinataw.

Madalas namin dinadalaw si Itay sa kulungan at ramdam kong nahihirapan siya dahil binabayaran niya ang kasalanang hindi niya nagawa.

Lagi nalang akong umiiyak kapag pinipikit ko na ang aking mga mata at nakikita ko ang mukha ng aking ama.
Dati ang saya saya pa naming nagsasama kahit mahirap lang kami eh malaya kong nayayakap si Itay, nahahalikan at nakikitang ngumiti. Ngayon pahirapan pa, kailangan pa magtrabaho ni Inay para lang mabuhay kami at makaipon ng pamasahe para lang masilayan ang aking Ama.

Sa aking pagtanda pinagkait ang mga pagkakataong na makasama ko si Itay sa aking pagdadalaga, pinagkait ang pagkakataong maihatid ako ni Itay sa altar sa araw ng aking kasal, makita at mayakap niya ang kanyang unang apo, at mayakap sana ang aking inay sa huling pagpikit ng mga mata nito.

Sa ngayon kahit hindi nakamit ni Itay ang tunay na kalayaan sa mundong ito nagpapasalamat pa din ako dahil sa kanyang huling hininga eh iyon ang umpisa ng kanyang tunay na kalayaan na ni minsan hindi niya nakamit sa mundong ating kinabibilangan.

Masasabi kong lahat ng paghihirap ay may katapusan.
Huwag lang mawalan ng pag-asa at isarado ang isipan..



"Ang pagpaparaya ay hindi sapat kung hindi mo sinubukang lumaban"


P.s...Ang post na ito ay ang aking entry para sa pasiklaban ni Ginoong JKULISAP...
Salamat sa aking minamahal na ter na si KAYEDEE dahil sa inyong pag-anyaya at na pa OO mo ako eh natuyo ang aking utak dahil naubos ang aking dugo lol~~

P.s.s.HindI po ako magaling sumulat kaya pagpasensyahan niyo na po ito..Salamat sa inyong pag-unawa