Dear Heart,
Howdy?lol
Salamat naman dahil tumitibok ka pa rin hanggang ngayon.
Salamat at nakakayanan mo pa rin ang mga kirot na nararamdaman ko.
Alam ko may mga pagkakataong gusto mo ng huminto sa pagtibok,subalit iniisip mo pa rin ako at di pa rin bumitiw.
Pasensya na:
*Sa mga pagkakataong muntik na kitang pahintuin sa pagtibok ang selfish ko no di man lang kita inisip na gusto mo pa palang tumibok na bonggang bongga lalong lalo na pag nakikita ko yung crush ko na si GONG YOO lol..Ako lang itong gaga na nagbabalak dati na pahintuin kang tumibok.
*SA mga pagkakataong pinipigilan ko ang nararamdaman ko tapos ikaw yung nahihirapan at parang gusto mo ng sumabog.
*Sa mga pagkakataong inaabuso kita, di pinapahinga ng maayos lalo na sa mga moments na nalulungkot ako at nageemo emohan hehehe..
Pero salamat din HEART sa pagbilis ng tibok mo sa tuwing ako’y umiibig,masaya, natatakot at kinikilig hahaha…
SANA Huwag kang magsawa sa pagtibok hanggat may dugo pang dumadaloy sa katawan ko ha.
Salamat sa 28 years na pagtibok mo ni isang segundo di ka huminto sa pagtibok lol…
I LOVE YOU HEART ayeeiii…..
P.S Bakit di kayo magkasundo ni BRAIN???KAHIT MAN LANG SAGLIT PLEASE PASAYAHIN NIYO NAMAN AKO NG BONGGANG BONGGA yung walang CONTRADICTION please..nyahaha…
Nagmamahal,
Ang may-ari ng PUSO MO…