Thursday, December 15, 2011

Blank series: 12~15 Dec.

*Finally, naging OK na ako, ang sama lang ng virus na nahagilap ko kay Kuyang walang emosyon lol.
*Delayed nanaman sweldo ko,,oo, bawal magreklamo :P
*Nag-organize ng mga files, woah,,,,ang dami ko palang Korean songs sa lappy ko lol..
*Nasira na ung TV ko
*Ninakawan kami ai mali ung uncle ko pala na nakatira sa old room ko,,nilooban ng mga mamabait na magnanakaw...nakuha lang naman ang kanyang laptop, at ibang valuable na gamit...tsk~!pati ung tsinelas ng bro ko pinag-intersan pa.
*Na addict sa oat crackers, umiiwas sa kape, nagpapakalasing sa yakult
*Namiss ko saglit si kuyang nung kumain ako ng bavarian filled donut lol
*One day MILLIONAIRE,one year BEGGAR
*Na LSS sa BE MY BABY ng WONDERGIRLS
*Last Month ko na sa PLANET PEOPLE,,bye Planet People,,
*Sana maincreasan na ako next year at gusto ko ng maging illegal recruiter :P
*Insomniac
*Ngaun ko lang narealize ang KAPE PAMPATULOG ko, ang GATAS PAMPAGISI
*Heart Attack~! PM received,,,,
Intro pa lang ng message gusto ng sumabog ng puso ko...
"i don't know if you still remember me or not?"
Paano kita makakalimutan T_T
Nakatatak ka na sa PUSO KO.........as in permanent na to~!
*Sinamahan ko ang mama ko para bumili ng dress bakit parang ako ang unang nagsukat ng damit?
*Bakit kung kelan may pera na akong pambili ng damit eh wala naman akong natipuhan.
*Hello UKAY-UKAY :P
*Taga-interview na pala ako :P
*Pero baket ang petiks ko pa din.
*Inabot ako ng 10 oras bago nakareply sa mala nobelang EMAIL ni.......dumugo utak ko...
*Nagpromise na ako sa kapatid ko na sa SABADO na ang LAST MEETING ko kay KUYANG walang emosyon lol....ibabalik ko lang ung headset na hiniram ko sabay GOODBYE..
mean na kung mean pero ayaw ko lang ipilit sarili ko na magkikita pa kami ng walang dahilan...(at tsaka GF hanap nya hindi chaperon lol, eh di nga ako pwedeng maging GF nya dahil di nya ako type)....
pero mamimiss ko din si kuyang ng once a year,,,tuwing bday namin,,oo same kami ng bday,,amazing~!
*SANA MARCH or APRIL na~!!!!


P.s. Pwede na maging side bangs ung bangs ko lol,,sawang sawa na ko sa full bangs.....



Sunday, December 11, 2011

Room for RENT?


Location: Malapit sa Equator, seryoso ako~!
Malapit sa palengke, sa mall, sa condo ni K,Friend(paki konek), sa simbahan, sa play ground :P ngunit malayo sa jerport (paki konek ulit)
Single Occupant only :P
Pwedeng babae or beki wag lang lalake baka gapangin ko haha,,,jokes..
Bawal ang maarte, walang erkon, sira kunyare.
Bawal ang pasaway kung ayaw masipa sa bahay ni INAY
Bawal ang nagyoyosi, ayaw ko ng usok
Bawal ang maingay pag natutulog na din ako :P
Free wifi hanggang 12 midnight lang dahil matutulog na si Cinderella.
Pwedeng magluto,maglaba,may free pang fab con wag ka lang maingay sa mama ko.
Pwede kang matulog hanggat kelan mo gusto, maligo kung naiinitan na at kung anu ano pa :P

Mabait ang may-ari ng bahay, baliw lang ang mga anak.

Rental fee: Depende sa kaya ng BULSA mo.

P.s. Kung may 3rd eye ka, asahan mong may tatabi sa iyo habang ika'y natutulog~! (pwedeng seryosohin pwede ring maniwala, ano daw.....)

**KUNG GUSTO MONG MAGPA BANGS LIBRE NA~! ako na bahala dun


VACANT DAHIL MAGIGING PALABOY NA AKO :P