Tuesday, July 6, 2010

Kuya 101: Ikakasal na?

Big bro and little sis Pictures, Images and Photos
Nagring cellphone ko kaninang 6am...
Pootragezzz....Sino nanaman ang tumatawag ke aga-aga..At holiday pa...
Kahit pikit ang aking mga mata pilit kong inabot ang cellphone ko at sinagot to.
"Hello"
"Andie"
"Kuya?"
"UU"
Pambihira tumawag pa si Kuya eh pwede naman akong gisingin at gumasto pa talaga ng load para lng gisingin ako.....
"Gising na dali, nagprepare ako ng fave mong bacon, sunny side up na egg at mainit na pandesal"
"Kuya, ang aga pa po..at teka ano nanaman nakain mo at kaw nagprepare ng almusal?"
"Dali na wag ng madaming tanong"
"Ok,Ok...."

End call mode...

Kahit inaantok pa ang beauty ko eh dali dali akong bumangon..Syempre, may bacon,sunny side up at hot pandesal...

Pag labas ko ng kuarto, nakangiting mukha agad ni Kuya ang bumugad sakin...
Haysss...di ko alam ang drama ni Kuya bat naisipan niyang magprepare ng fave kong almusal...

After kong maghilamos at mag mumog eh feeling prinsesa ako dahil si kuya na ang nagserve sakin..
Naks, nakakatats talaga si Kuya...
I love you Kuya ayeeiii...

"Kuya, ano drama?bat meron ganito..."
"Wala lang, namiss ko lang magprepare ng fave breakfast mo"

Ok fine, kumain na ako...

At biglang.. tumunog ang doorbell...

"May inaasahan kang darating Kuya?"
Ngumiti lang siya at tsinek kung sino ang nagdoorbell....

Ayun si Ate Marla, ang gf ni Kuya
Ang gf niyang pinagseselosan ko ng ilang taon
Ang gf niyang kahati ko sa puso ni Kuya.:(

Umupo si Ate Marla katabi ni Kuya...
Habang ako patay malisya lang lols~sama ko noh...

"Andie"
"Oh?"
"May sasabihin sana ako sa iyo eh"
Oh ha biglang kinabahan ang aking heart,,Kasi naman baka mawindang nanaman ako sa sasabihin ni Kuya at andun pa si Ate Marla,,Malamang good news yun para sa kanila at bad news naman para sakin...

"Ano po iyon?"

Dead Air...tinitigan lang ako ni Kuya.....

"Ano?"Habang sinusubo ko ang pandesal....

"Balak na sana namin magpakasal ni Ate Marla mo"
At parang bumara lang naman ang pandesal habang nilulunok ko.......
"Seryoso?"Pabiro kong tanong...
"uu, tumatanda na ako Andie, gusto ko na sanang mag settle down. total mukhang stable ka na sa work mo ngaun. Siguro naman time ko na maging happy ngaun"
Bakit kuya di ka ba happy kasama ako???
Paano na ako?Tanong ko sa isip ko....

And there was silence.............

Naspeechless lang ako at walk out mode..
Pumasok ako ng room ko umiiyak....
Di ko alam nararamdaman ko..Pero parang sinasaksak puso ko sa narinig kong balita...

Alam na ni kuya na nagtatampo ako,,
Uu,selfish na ako pero ayaw kong mawala si Kuya ngaun eh...
Siya na ang naging kasama ko simula nung nawala sina mama at papa..
Siya na ang naging sandalan ko...
Sa kanya ako dumepende sa lahat ng ginagawa ko
Tapos ngaun mawawala na siya....

Oo gusto kong maging happy si Kuya pero wag naman sana biglaan,,Kay Ate Marla pa...don't get me wrong pero I don't like her..Masyado cyang maarte,selosa at di kami gaanong close lols~...

Haysss,,sana nanaginip lang ako dahil kung ito'y totoo malulungkot nanaman ako..

Pero di pa rin humihinto ang pagpatak ng aking mga luha...
Para pa ding sinasaksak ang puso ko habang naalala ko yung sinabi ni Kuya kanina na magpapaksal na siya...haysss...

Kuya kung alam mo lang paano ako nasasaktan ngaun sa desisyon mo..........


P.s..Tuyo utak ko ngaun kaya pagpasensyahan niyo ang poste kong ito...
Next post na ang sulat ko para kay Kuya di na kaya ng powers kong mag-isip ng bonggang bongga lols~~