Tuesday, July 6, 2010

Kuya 101: Ikakasal na?

Big bro and little sis Pictures, Images and Photos
Nagring cellphone ko kaninang 6am...
Pootragezzz....Sino nanaman ang tumatawag ke aga-aga..At holiday pa...
Kahit pikit ang aking mga mata pilit kong inabot ang cellphone ko at sinagot to.
"Hello"
"Andie"
"Kuya?"
"UU"
Pambihira tumawag pa si Kuya eh pwede naman akong gisingin at gumasto pa talaga ng load para lng gisingin ako.....
"Gising na dali, nagprepare ako ng fave mong bacon, sunny side up na egg at mainit na pandesal"
"Kuya, ang aga pa po..at teka ano nanaman nakain mo at kaw nagprepare ng almusal?"
"Dali na wag ng madaming tanong"
"Ok,Ok...."

End call mode...

Kahit inaantok pa ang beauty ko eh dali dali akong bumangon..Syempre, may bacon,sunny side up at hot pandesal...

Pag labas ko ng kuarto, nakangiting mukha agad ni Kuya ang bumugad sakin...
Haysss...di ko alam ang drama ni Kuya bat naisipan niyang magprepare ng fave kong almusal...

After kong maghilamos at mag mumog eh feeling prinsesa ako dahil si kuya na ang nagserve sakin..
Naks, nakakatats talaga si Kuya...
I love you Kuya ayeeiii...

"Kuya, ano drama?bat meron ganito..."
"Wala lang, namiss ko lang magprepare ng fave breakfast mo"

Ok fine, kumain na ako...

At biglang.. tumunog ang doorbell...

"May inaasahan kang darating Kuya?"
Ngumiti lang siya at tsinek kung sino ang nagdoorbell....

Ayun si Ate Marla, ang gf ni Kuya
Ang gf niyang pinagseselosan ko ng ilang taon
Ang gf niyang kahati ko sa puso ni Kuya.:(

Umupo si Ate Marla katabi ni Kuya...
Habang ako patay malisya lang lols~sama ko noh...

"Andie"
"Oh?"
"May sasabihin sana ako sa iyo eh"
Oh ha biglang kinabahan ang aking heart,,Kasi naman baka mawindang nanaman ako sa sasabihin ni Kuya at andun pa si Ate Marla,,Malamang good news yun para sa kanila at bad news naman para sakin...

"Ano po iyon?"

Dead Air...tinitigan lang ako ni Kuya.....

"Ano?"Habang sinusubo ko ang pandesal....

"Balak na sana namin magpakasal ni Ate Marla mo"
At parang bumara lang naman ang pandesal habang nilulunok ko.......
"Seryoso?"Pabiro kong tanong...
"uu, tumatanda na ako Andie, gusto ko na sanang mag settle down. total mukhang stable ka na sa work mo ngaun. Siguro naman time ko na maging happy ngaun"
Bakit kuya di ka ba happy kasama ako???
Paano na ako?Tanong ko sa isip ko....

And there was silence.............

Naspeechless lang ako at walk out mode..
Pumasok ako ng room ko umiiyak....
Di ko alam nararamdaman ko..Pero parang sinasaksak puso ko sa narinig kong balita...

Alam na ni kuya na nagtatampo ako,,
Uu,selfish na ako pero ayaw kong mawala si Kuya ngaun eh...
Siya na ang naging kasama ko simula nung nawala sina mama at papa..
Siya na ang naging sandalan ko...
Sa kanya ako dumepende sa lahat ng ginagawa ko
Tapos ngaun mawawala na siya....

Oo gusto kong maging happy si Kuya pero wag naman sana biglaan,,Kay Ate Marla pa...don't get me wrong pero I don't like her..Masyado cyang maarte,selosa at di kami gaanong close lols~...

Haysss,,sana nanaginip lang ako dahil kung ito'y totoo malulungkot nanaman ako..

Pero di pa rin humihinto ang pagpatak ng aking mga luha...
Para pa ding sinasaksak ang puso ko habang naalala ko yung sinabi ni Kuya kanina na magpapaksal na siya...haysss...

Kuya kung alam mo lang paano ako nasasaktan ngaun sa desisyon mo..........


P.s..Tuyo utak ko ngaun kaya pagpasensyahan niyo ang poste kong ito...
Next post na ang sulat ko para kay Kuya di na kaya ng powers kong mag-isip ng bonggang bongga lols~~

15 comments:

NoBenta said...

dumadaan talaga ang ganyang mga sitwasyon. ako ang panganay sa amin at nung magdesisyon akong magpakasal, parang nahirapan din yung bunso namin dahil nalungkot siya. although lalaki kaing apat, close kasi siya sa akin. ang layo ng edad namin kaya talagang kuya image ako sa kanya.

rah said...

Hmm, feeling ko si ms. girlfriend ang nagpropose kay kuya. hehehe

Siguro, kung breakfast sa 5 Shangri La o kaya sa Sonya's Garden sa Tagaytay nila sinabi sayo ang balita, hindi ka siguro naka walk out :)

Dibale, i think pwede mo parin naman sandalan si kuya kahit may asawa na siya...

LordCM said...

nakakalungkot nga na yung nakasanayan mong kasama ay bigla na lang mawawala, pero dumarating talaga sa buhay ang ganyan...matatanggap mo rin :)

goyo said...

nakanaks, ang daming lumilipad na pictures dun sa taas. ehehe.

magpakasal ka na din kasi. hihihi..

Janine said...

**HUGS** hayst. pano kaya kung dumating din ang araw na ganyan samin ni kuya? waaah!wag naman po sana muna. eniweys, ate, naiintindihan kita, mahirap, lalo na kung sooobrang klows kayo.. pero sigruo ganun talaga e... hindi naman natin hawak ang buhay nila, siguro its about time to let him go, para sa ikakaligaya nya. :D kung gusto mo, pwede mo din po akong ampunin, ipaghahanda kita ng breakfast,lunch,mirienda,dinner,midnight snack etc. :)

little princess said...

andy oppa? ^_~
weeeh... ung totoo? :D haha..
kigwa man ka moi ui ^^

kayedee said...

ter ang gling mo tlga mag fiction? ehhe. pro k ng mging writer! ahhaa.
pero fiction nga lang ba tlga? ehhe.

lageng kakadala! ehehe

Sendo said...

sa susunod na kabanata: Andie, mag bagong jowa! pagseselosin rin si Kuya.

Andie, may balak pumatay...

Kuya..deadma...haha

^^ ayos ka rin ah..parang twilight lang lol hehe

dabo said...

hi there. this post is sweet in my perspective.


(i don't know how you end up on my blog but thanks sa blog hop mo. take care.)

kayedee said...

ter i rily lyk d slideshow oberder!! ahahaa. ggwa nga dn me ng blospot blog! ahahha adik! lolz

halabshu ter!

Sasarai said...

Teka nga, di ba sabi mo wala nang emote moments! LOLJK! :)) Pero you know what, naiyak din ako dito... kamuntikan lang naman kasi aga-aga baka sabihin nina mama at papa, may telenobela ba? Pero kung ako din ikaw, masakit din....

Xprosaic said...

Naks! parang pelikula lang ah... hehehhehehe.. ayos lang yun... magpapakasal lang naman siya.. mas mabuti na yun kesa magdrugs... jowk! hehehhehehehehe

kikilabotz said...

uhmmm ganun tala ate unnie- hnd natin pwedeng pigilan ang desisyon ng kuya mo.. be happy for him n lng ok? lam ko nmn ikaw din gusto na magpaksal db?

kayedee said...

adik ka ter! eh eto nga nga ang nkalink ano! xdo mo ako nililito! ahaha

hamishu ter!

diamond R said...

kung ako si kuya like ko ang reaction mo especially yong crying moments sa kwarto. Pag love mo ang tao mahirap talaga e let go. be honest sa feeling.

konsintidor,