Friday, December 30, 2011

Bye 2011

Maraming nangyari
May inaasahan
May hindi rin naman....
Masaya
Malungkot
May nakakaiinis
May gustong burahin sa timeline ng life
May pagkakataon na gusto mong ihinto ang oras na wari bagang hinihiling mo na sana LORD wag na po itong matapos.....

2011,,,
Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan...
Turuan mo ako PLZ.
January isa sa mga nakakastress na buwan sa buhay ko...
Kung pwedeng iligo at laklakin ang moisturizer gagawin ko para hindi ako tirhan ng wrinkles sa pagmumukha ko...
Naalala ko,,,,,May araw na nastress ako saking perslab n Krung...spell NOT CONTENTED sa buhay,,,Hindi ko siya masisi mataas ang standard niya sa LIFE...
Kung pwede nyang kainin ang stocks at libro na nakapaligid sa kanya marahil gagawin niya un...

Skip this stupidity....
Kahit nastress ako maganda pa rin ang pasok ng taon na ito...
Dahil,,,,,,,,
May visa na kapatid ko papuntang KIMCHILAND......atlast makakasama na niya asawa niya^_^ ...
At dahil nga nasa MANILA kami nun,,
Nagkaron ako ng chance ma meet ang ibang bloggers...
especially si POLDY..wahoo...
Yun lang bitin masakit sa pus-on PUSO ang aming pagkikita lol..dahil oras lang ang aming meeting,,gusto ko sana abutin kami ng days para makipagchikahan about sa aming boring life..kaso pabalik na kami ng Davao kinabukasan nun T_T...



Thanks Poldy,Yanah,Gelo,Sendong,EmDEE,AXL sa time para imeet nu Ako at ang aking sis^^...
Hanggang sa MULI,,,alam na lol...

*Umalis na Kapatid ko ng Pinas papuntang Korea T_T
Wala na akong RIVAL sa lahat ng bagay lol...
WE miss you MIMIYA


*Gaya ng mga nagdaang Balentyms day,,,ALONE nanaman ako,,,Sanay na lol...
I hate Balentyms day na,,,,
*Nagresign saking homebased na work....
Napadpad sa isang Korean academy,,,
Oo, Korean nanaman naging amo ko nun.
Marami akong nakilalang bagong friends.
*Kain dito,Kain dun,,Lalo lang akong tumaba,,,,>_<
*Morning rush,alikabok,siksikan, may nakatabing manyak sa jeep poota ka kuya,,lol,
NagkaCP napilitan lang ako,ayaw kong CP dba?
*Naabutan ng BAHA, nagheels,ang hirap ilakad,,
*I hate GoodbyesT_T......
*Lumagpas na ng deadline ni perslab ngunit di pa rin nakarating ng Davao...passs,,,move on,,next plz..
*Sumubok sa isang onlyn shitty site,,,may nakilala,,,,,,krung2 pa din....di mabenta itsura ko sa mga PUTI?
*Nalunod sa mga Korean snacks?Kape,Chocopie, Butterwaffles, etc etc...
*Napuyat,nasobra sa tulog,nagutom,nabusog,nauhaw,nalasing,at lumanghap ng isang truck na usok...
*Tinablan ang Puso,,,,nainlab,,,sa isang Korean.....ulit?
*Kinailangan kong magresign,,,T_T
*Sinalo ulit ako ng dati kong amo,,kaya alila ulit ako ng mga Krung2,,,lagi nalang lol,,,
*Lumablyf ng Agosto,,,,
*Tuluyang bumitaw na kay perslab,.wala ng patutunguhan....masakit sa heart,,keelll me now...
*BB cream, toner, moisturizer,etc etc etc,,,spell VAIN...
*Narindi sa mga taong nagsabing maganda ka sana kaso magdiet ka ....taragis yan ,,,kau kaya papayat madali ba???sorry sa mura lol :P
*Tuluyan ng nagpahinga Lola ko T_T,,,kaya napadpad kami ng bacolod...Salamat sa Jowa ko na tumulong para makarating kami dun...
*16 oras na gising, gusto kong yumaman at isampal ang pera ko sa mga taong nang api samin,,,,,sorry ulit,,,sadyang may mga tao lang kung mang asta sila ang hari ng world??
*May nawala,hindi ko alam san nagpunta,hinanap pero hindi ko natagpuan,,,,Napagod din ako ,,,kaya PASS,,,moovee on unning...
*Sinubukan ulit makipagsapalaran sa shitty same site na dati kong tambayan,,,
*May nakilala Krung2 ulit,,,,,,Kung pwede lang isumpa ang bangs na siya ang dahilan ng lahat ng ito gagawin ko lol...
*Nakipagdeyt sa isang taong walang emosyon ,,,,,,ayaw ko na,,,tama na lol,,,tama na ang gamitan kuya tapusin na natin ang kalokohang to,,,,
*Ni minsan hindi ako kinilig sa kanya,,seryoso ako,,,,hindi ko alam kung bakett,,,kahit halos kada linggo kami nag kikita wala,,
*Nakipagdeyt sa isang ex Professional gambler, ngaun isang beggar na lol..
*Kahit papaano may natutunan ako kay kuyang walang emosyon....natutunan kong lumanghap ng usok sa loob ng Air conditioned room #-o
*May nakilala,,,insert same lahi pa din.....may spark lol....ayaw ko ng ituloy next year n ako mag wewento,,,:P
bibitinin ko kau about dito....:P
*May naconfuse,may naspeechless,,,,
*Lagi nalang akong napagkakamalang taga east asia,,,,
Secretary dun sa klinik....
Ate: Ma'am Korean po ung kasama nu?
Ako: opo..
Ate:Ikaw maam Korean?
Ako: Hindi po,,
Ate: Chinese?
Ako: Hindi rin po,,,,Ilongga?lol.....jusko

---
Manong taxi driver:Ma'am Korean po kau?
Ako: insert smile,,,,indi po,,,,
MTD:Chinese
Ako:sa isip ko,,,,,,mukha ba akong chinese,,,,SMILE Ulit,,,Indi rin po..
MTD: ah Japanese?
Ako: hukkkkkk,,,,mas lalong indi,,,,Manong naman ang laki ng mga mata ko mukha ba akong chinese,korean or japanese?lol...

----
Sec.Guard: Ma'am are U Korean?
Ako: indi,,,,:P Sabay smile,,,,pinay po :P

Letsugas na BANGS~! lol

*Nalunod sa mga Korean letters...pero last year ko na sa work ko yey,,,
*Pero mali ako,,,mas lalo akong malulunod ngaun sa mga korean letters...kailangan mag-aral ulit???
*TUmakbo,kailangan kong pumayat ASAP,,,seryoso ako,,,,,
*Tigang tigang tigang haha...
*Sinabihan ko na Mama ko,,,hindi na ako mag-aasawa ulit,,,kung magiging MILYONARYA ako X na sa list kong mag-asawa ulit.....lol...
*Gusto ko lang lumablyf pero hindi kona naiimagine sarili ko na magkaron ng asawa ULIT?sakit sa bangs...
*Umiyak ng bongga sa Baker king at kinilig saglit sa SECRET GARDEN.
*Kala ko mamatay na ako,,,,ayaw ko ng hospital,,,ayaw ko ung puting pintura ng mga walls,,,amoy chlorox,,amoy dugo,,creepy,,,,ewan ko basta ayaw ko sa HOSPITAL,,keeelll me now...
*Weeks bago mag Xmas,,message received,,,heart attack.....
Tayo ulit?
Ayaw mo?
Gusto?
Pero hanggang kailan nanaman tong kalokohang to?
*Ayaw ko ng umasa ulit,,nakakapagod lang..
*Nalungkot sa nangyari sa CDO at ILIGAN city,,,
God,Please heal our land....
*After 6 months, nakita ko si IKAW ulit,,,,,dang,,,,
T_T
Masaya
Nakonsensya dahil ako ang nang-iwan?
haysss.....
Heart attack again.....para lang akong tanga na umiiyak habang binabasa ang message nya....T_T
*Gusto ko pa ding maging Horror actress...seryoso....

*Ayaw ko munang mainlab hanggang dec 31 hakhak.......


Balikan niyo ako ulit next week baka that time
Pwede na akong mainlab...lol

GUSTO KONG MAINLAB SA ISANG GANGSTER
(mukhang gangster, feeling gangster,professional mafia, etc etc)




Sorry inay ang MESSY ko lang lately.....






Sana next week,,,,,,
Hindi ko na iddeprive ang sarili ko na mainlab,,,,

"I MISS YOU ALWAYS T.T "

Ang huling mensaheng natanggap ko bago ko pa iclick ang PUBLISH POST BUTTON...


Salamat sa Parents ko na patuloy akong iniintindi at minamahal

Sunday, December 25, 2011

Bumalik next week....

BRAIN TRANSPLANT-Check
HEART SURGERY-Check

Tigang
ang utak at ang buong katawan ko---alam na

Nakarecover na Puso ko.....
Ok na?
Malamang...
Masaya na?
hmm sakto lang


Bumalik next week baka may matinong post na ako...
ASA~!:P

Happy Christmas EVERYONE




Thursday, December 15, 2011

Blank series: 12~15 Dec.

*Finally, naging OK na ako, ang sama lang ng virus na nahagilap ko kay Kuyang walang emosyon lol.
*Delayed nanaman sweldo ko,,oo, bawal magreklamo :P
*Nag-organize ng mga files, woah,,,,ang dami ko palang Korean songs sa lappy ko lol..
*Nasira na ung TV ko
*Ninakawan kami ai mali ung uncle ko pala na nakatira sa old room ko,,nilooban ng mga mamabait na magnanakaw...nakuha lang naman ang kanyang laptop, at ibang valuable na gamit...tsk~!pati ung tsinelas ng bro ko pinag-intersan pa.
*Na addict sa oat crackers, umiiwas sa kape, nagpapakalasing sa yakult
*Namiss ko saglit si kuyang nung kumain ako ng bavarian filled donut lol
*One day MILLIONAIRE,one year BEGGAR
*Na LSS sa BE MY BABY ng WONDERGIRLS
*Last Month ko na sa PLANET PEOPLE,,bye Planet People,,
*Sana maincreasan na ako next year at gusto ko ng maging illegal recruiter :P
*Insomniac
*Ngaun ko lang narealize ang KAPE PAMPATULOG ko, ang GATAS PAMPAGISI
*Heart Attack~! PM received,,,,
Intro pa lang ng message gusto ng sumabog ng puso ko...
"i don't know if you still remember me or not?"
Paano kita makakalimutan T_T
Nakatatak ka na sa PUSO KO.........as in permanent na to~!
*Sinamahan ko ang mama ko para bumili ng dress bakit parang ako ang unang nagsukat ng damit?
*Bakit kung kelan may pera na akong pambili ng damit eh wala naman akong natipuhan.
*Hello UKAY-UKAY :P
*Taga-interview na pala ako :P
*Pero baket ang petiks ko pa din.
*Inabot ako ng 10 oras bago nakareply sa mala nobelang EMAIL ni.......dumugo utak ko...
*Nagpromise na ako sa kapatid ko na sa SABADO na ang LAST MEETING ko kay KUYANG walang emosyon lol....ibabalik ko lang ung headset na hiniram ko sabay GOODBYE..
mean na kung mean pero ayaw ko lang ipilit sarili ko na magkikita pa kami ng walang dahilan...(at tsaka GF hanap nya hindi chaperon lol, eh di nga ako pwedeng maging GF nya dahil di nya ako type)....
pero mamimiss ko din si kuyang ng once a year,,,tuwing bday namin,,oo same kami ng bday,,amazing~!
*SANA MARCH or APRIL na~!!!!


P.s. Pwede na maging side bangs ung bangs ko lol,,sawang sawa na ko sa full bangs.....



Sunday, December 11, 2011

Room for RENT?


Location: Malapit sa Equator, seryoso ako~!
Malapit sa palengke, sa mall, sa condo ni K,Friend(paki konek), sa simbahan, sa play ground :P ngunit malayo sa jerport (paki konek ulit)
Single Occupant only :P
Pwedeng babae or beki wag lang lalake baka gapangin ko haha,,,jokes..
Bawal ang maarte, walang erkon, sira kunyare.
Bawal ang pasaway kung ayaw masipa sa bahay ni INAY
Bawal ang nagyoyosi, ayaw ko ng usok
Bawal ang maingay pag natutulog na din ako :P
Free wifi hanggang 12 midnight lang dahil matutulog na si Cinderella.
Pwedeng magluto,maglaba,may free pang fab con wag ka lang maingay sa mama ko.
Pwede kang matulog hanggat kelan mo gusto, maligo kung naiinitan na at kung anu ano pa :P

Mabait ang may-ari ng bahay, baliw lang ang mga anak.

Rental fee: Depende sa kaya ng BULSA mo.

P.s. Kung may 3rd eye ka, asahan mong may tatabi sa iyo habang ika'y natutulog~! (pwedeng seryosohin pwede ring maniwala, ano daw.....)

**KUNG GUSTO MONG MAGPA BANGS LIBRE NA~! ako na bahala dun


VACANT DAHIL MAGIGING PALABOY NA AKO :P

Friday, December 9, 2011

We almost PATAY NA

Monday
K-Friend: Let's meet tomorrow, I can't today I'M FEVER..(eh di cya na si FEVER :P)
Me: Hm,,,I will be busy tomorrow, let's meet on FRIDAY, ok?

Friday:
Wala akong balak kitain si Kuya kasi nilalagnat pa ako, hindi ko rin nitext wala akong load,,tamad akong magpaload at magtext hakhak...

Time Check 3Pm...
One message received.....
Let's not meet today, it's better I'M FEVER..I'M ALMOST PATTAI..

Ako:????ano daw...nitext kita na magkikita tau???

tapos bigla kong naalala Friday pala ung sinabi ko sa kanya na magkikita kami hakhak,,,
Malay ko bang tatandaan niya un...
Kasi minsan, hindi ko lang alam na kung siniseryoso ni kuya ung mga pinagsasasabi ko...

tsaka ISA SYANG WALANG EMOSYONG TAO~! lol,,,sorry kuya,,,

Mabait naman siya hindi ko ipagkakaila yun..
Hindi madamot,,,
Pero bakit wala akong nararamdamang pagnanasa sa kanya,,gayun din SIYA sa akin...:P

P.s SI KUYA ANG SALARAIN KUNG BAKIT AKO NILALAGNAT HANGGANG NGAYON..(bat pa kasi kita kinita last weekend #-0)
I'm ALMOST PATAY NA DIN lol...








Thursday, December 8, 2011

Under construction...

-Puso ko puhaha-->durog na?..:P
-utak ko,,,-->tuyo braincells ko
-BLOG ko..--->....
-bulsa ko-->naghahanap ng mayamang jowa puhahaha..jokes lameng..
-pagmumukha ko haha--->wala nakong facial mask letch
-friend's list ko :P--->......
-cabinet ko--->ang gulo na,,wakuku~~tsaka gusto kong color lavender na cabinet haha
-time table ko--->gusto ko yung busy busy na ako..ihi lang pahinga haha
-whole system ko--->papareformat ko na sarili ko haha..









Who ran away?


Ang mga Korean guys daw hindi nila bininigyan ng running shoes ang mga GF nila, takot kasi silang baka mag run away ang mga GF nila.....


"Please don't run away from me"

Nagdadalawang isip ka pa nun
May pag-aalinlangan?
hindi ko alam....
Basta ang alam ko nun, sinabihan kita na hindi mangyayari yun....


Kasalanan ko ba?
Na iyon ang napili ko?

Kung hindi ba iyon ang napili ko tayo pa rin ba?

Hindi ko din alam.....
lintik na pamahiin yan,,,

Hindi nga ako ang nag run away,,,
KAW NAMAN....



"KUNG UMIYAK BA AKO NUNG PAG-ALIS MO, BABALIKAN MO AKO ?"

Tuesday, December 6, 2011

Sunday, December 4, 2011

.....anong title bagay dito?

Time Check
10:30 pm
"What are you doing?"
Watching TV
"Can we meet now?"
It's late, let's meet tomorrow or next week
"OK"
======
Sunday, muntik na akong tamaan ng katamaran, actually hindi na sana kita kikitain pero makulit ka lang, naaawa lang ako sau kasi baka biglang tumalon ka mula sa 5th floor dahil sa boredom ako pa sisihin ng syota mo?lol....

"where are you?"
Ilang hakbang nalang mula sa iyo...
Message unsent,,,sayang ang piso ko lol....

Pagkita natin parang ang awkward, tahimik,,,
parang isang taon hindi nagkita,,
hello ilang araw lang kaya tayo hindi nagkita...kung makadeadma ka,,haha....

Dinner..
Hindi naman ako gutom kaya solve nko dun sa ramen with egg :P
Samahan pa ng kimchi~! keribels boom boom n ako pwamis..

Nanood ng Korean program, kulang nalang sigawan kita ng "hindi ko naiintindihan"..buti nalang andun si Sung SI KYUNG atleast hindi ako nabored...
Nitanong pa kita anong ibig sabihin nung sinabi ni K.Will sinagot mo lang ako ng,,Eii, not important,,,,
Nakita mo atang naasar ako,,ayun nitranslate mo naman :P

8pm dinadalaw ako ni Mr.Antok,
sabi ko uuwi nako dahil inaantok na ako,,,
Ah siyempre may isang rason ako bat kita nimeet today,,YUN EH,,,MANGHIHIRAM AKO NG HEADSET lol....
Pinapili mo pa ako kung anong headset gusto ko,,sabi ko ung may MIC...
Binigay mo sakin ung headset na may mic sabay sabi
MY XMAS gift...
Eii,,, i don't like this ( ako na choosy haha)
Humirit ako bigla ng,.. I WANT BB CREAM.....
" I need BB CREAM too"
Eh di ikaw na ang gumagamit ng BB Cream din :P
Hindi ka naman bakla kuya?
OK fine VAIN NALANG....

Nanghalukay pa ako sa cabinet mo,,,,
Kumuha ng kape,ovaltine at TEA,,,
SORRY NAMAN BEGGAR LANG......


Amoy usok nanaman AKO!!!!

Ayan HINDI NA AKONG MUKHANG PALE...
HI RED LIP TINT AND BANGS lol

Thursday, December 1, 2011

Assorted asaran

Me wearing heels....
K-Friend: woahhh you look so tall,,,,like a giant~!
ME: eii...I look taller than you na....Ah do u know, i don't like short guys...
K-friend: It's ok...I don't like giant girls...
Me: HAHA.....crazy~!

=====
K-Friend: What are you doing?Why you didn't text me...i thought we will meet today?
Me: oh sorry, i was so busy (sympre jokes lng to....nakakasawa lang everyday kitain tong krung2 na to)....let's meet tomorrow..see you..
K-Friend: Ok, take care.
*Eh?bat may take care text mo..lolz,,,,d lang sanay,,, hakhak...

=====
K-Friend: Ahh..im so lonely now..
Me: why?
K-Friend: coz i need maganda friend,,,you are not maganda..
ME: I KNOW~!im not maganda..#-o
kailangan ipamukha na di ako maganda,,,kuya adik ka lang,,,

=====
K-friend nagluluto.....
Plz tuln on the right?
Me:?
Plz tuln on the right....sabay turo sa fluorescent...
ME: ah~~light...ok ok.....

====

Lesson learned: WAG MAG GGROCERY sa SM TUWING WEDNESDAY KUNG AYAW MONG MALAGAY SA PAPER BAG ANG MGA PINAMILI MO~!


Dear KUYANG,
KAHIT LAGI MO AKONG NILALAIT,,nakaganti naman ako sau kanina hakhak,,,:P
SALAMAT SA YUMMY DINNER ang effort mo~!
Next time makikikain nanaman ako sa nu ha :P

P.s I SO LIKE THE WATCH PALA.....Wala ng bawian ah :P
PEACE....
AI TAMA WAG MASYADONG NEAT FREAK @_@

Monday, November 28, 2011

USOK

Closed room
AC on
Fan ON
TV on...

*****
Kung maliligaw ka sa bahay ni KUYA....

3 bagay lang ang makikita mong umuusok

Una: Pag gutom na ang 2 hungry birds...
STOVE ON:
Shin Ramyun PLZ...



Pabilisan TAU SINO ang UNANG MAKAKAUBOS Ng UMUUSOK NA RAMEN na YAN?
Kung di ka sanay sa maanghang,,,
Wag mong itry to pag wala kang isang pitsel na tubig sa tabi mo :P

Pangalawa:
Mainit na KAPE



Eto lang katapat ko pag nauumay na ako sa kalalamon ng maraming FOODS..lolz...

Kuya,,do u have coffee?


Panghuli: SIGARILYO NI KUYANG


Hit hit dito hit hit don~!
Daming hit hit ni kuya lalong lalo na pag nasstress sa kakalaro ng ANGRY BIRDS lol......


**
RESULTA: KAYO NA MAG-IMAGINE kung ANO NA AMOY ko PAG-UWI

Saturday, November 26, 2011

my MYSTERIOUS FRIEND




M-Friend: What do you want?
Do you want to eat/drink....blah blah blah....
ah
do you want soda?
fruits?choco?ramyun?
blah blah blah.......

Me: I want your LOVE,,=))

Syempre Jokes lang,,
Asa~!

ME: DO YOU HAVE SNICKERS?

M-Friend: Sure...



Hanggang Friends lang talaga kami ni kuya haha.....

Mukhang tanga lang kaming 2 pag magkasama..lolz

Ok na yun atleast masaya naman kami,,




P.s Ewan ko ba kahit anong iwas ko sa kalahi nila,,bat namamagnet pa din ako ng walang effort???
Pwedeng sisihin ang BANGS KO???

Thursday, November 24, 2011

Random:NOTES TO MYSELF




*Huwag ng umasa sa taong alam mong di na babalik..
*Huwag uminom ng kape kung ayaw kong antukin habang nagttrabaho...
*Huwag hayaang maging so bare ang face buong araw
*Huwag masyadong demanding sa mga taong wala namang silbi?(ano daw?)
*Kumain muna bago makipag EB sa kadate malay mo hindi ka pala lilibrehin kahit popcorn man lang.
*Huwag tangkaing kumain ng sandwich sa loob ng sinehan kung wala kang pantulak, malay mo mabulunan ka haha..
*Huwag mapanghusga agad
*Bawal malate
*Kapalan ang face ng konti pa haha
*Huwag kalimutang NGUMITI KAHIT FAKE hakhak
*BAWAL MAGHEELS KUNG MAKIKIPAGDATE SA ISANG KRUNG2....bat ang bilis nila maglakad.
*Huwag masyadong madaldal para 'wag masabihan ng...who's f*cking *insert kalahi nya* guy told you about that?
*Huwag masyadong mabait
*Huwag masydong friendly
*Huwag masyadong busy
*DAPAT MAGING CHOOSY MINSAN =))
*Huwag masyadong magpuyat
*Tumakbo araw-araw
*MAG-IBA ng HAIRSTYLE...BAWAL NA ANG BANGS SOON ng DI MAMAGNET SA MGA......*insert kalahi ni kuya*again~!


********Naalala ko lang,,once upon a time,,,,,,HUWAG KUMAIN NG POPCORN BAGO MAKIPAGKISSING SCENE???haha....
*******
BAWAL NG MAINLOVE
at lalong lalo na.........
BAWAL MAGSINUNGALING~!

Monday, November 14, 2011

May Alaga ako :Paperouu




Sino Ako?
Di Ko rin Alam sa NGAYON...
Ang tangi ko lang alam BINUHAY ako ng MAY AKDA ng KAEK-EKANG itetch....

-Half human,1/4 alien.1/4 monster ata ako(?)...Itatanong ko pa sa nagmamamay-ari sa akin kung tama ba ang kalkulasyon ko sa aking pagkatao....arff..
-Magulo akong kausap, kaya kung may balak kang kausapin ako..BINABALAAN na kita ngaun pa lang..MALILIGAW KA sa Kalawakan sa kaguluhan ko :P
-Maingay daw ako sabi ng nakararami pero DENIAL pa din ako hanggang ngayon sa issueng yan..
-Gaya ng coke,ang pera ko kung hindi SAKTO sa bisyo ko, zero naman gaya ng buhay pag-ibig ko...
-Wala akong lablyf, Ano yun?paki explain..ALIEN ako diba??walei knowledge aketchiwa sa mga bagay na yan..
-Mahilig akong kumain PERO TAMAD MAGJOGGING..
-Bulag sa KATOTOHANAN, Bingi sa KATAHIMIKAN, Paralyze sa TAKBUHAN...
-Takot akong mapalayo sa taong nagmamay-ari sa akin..TAKOT ako dahil.....BAKA MAGUTOM ako :P
-Ayaw ko ng MATH,pero gusto kong magMULTIPLY..
-Gusto ko ng history, pero para sa akin, PAST is PAST...doh..
-Matakaw ako sa tinapay, kaya gusto kong maging kaibigan si KIM TAK GU
-Nalunod na ako minsan, nalunod sa luha ng mga EMOTERO'T EMOTERA sa MUNDO
-Gusto kong maging pintor,at ippaint ko ang asawa ni MONALISA...

GUSTO KO PA SANANG MAGKWENTO KASO ALAM KONG TAMAD NA KAYONG BASAHIN TO :D

**************BUKAS PAGSIKAT NG ARAW...........UMAGA NA =)))))

P.S Hindi ko pa pala natanong sa adik na nag mamay-ari sa akin kung babae or lalake ako.....
Pwede maging BEKI nalang ako???:P

Friday, November 4, 2011

Sunday, October 23, 2011

Random: Boredom and BANGS




*Life oh life, pinapatay ako ng boredom!
*Nakadalawang movie na ako sa loob ng isang linggo (ang gastos ko lang :P)
*Naka tatlong tasa ako ng kape sa loob ng isang araw, 2 tasang green tea, at isang bote ng gatorade
*Minsan ayaw ko ng kumain nasusuka lang ako.
*Kailangan ko pang magbawas ng 5 kilos harhar
*35 needles every acupuncture session,,kamusta naman ang sakit.....inay!!!!!
*Sana 2012,,
*Sana yumaman na ako lolz,,,habang tumatagal yumaman nga ako,,yumaman sa utang harhar
*Minsan nakakapagod matulog lalo na pag binabangungot ka #-o
*BAT ANG DAMING BUSY'ng TAO NGAUN...nagpapayaman?
*Finally na meet ko na din ng personal si Ronster isa sya sa mga hiatus blogger before harhar,,tamad much?lolz,,jokes lng,,,kwentuhan dito kwentuhan doon,,,ang ingay lang naming 2,,,haha,,nice to meet yah ron,,salamat sa kape~~*
*Minsan gusto kong magrant pero alam ko hindi maganda yun,,,nakakstress lang..
*Wala na akong supply na toner, paubos na rin BB cream ko lolz,,spell vain :P
*GUSTO KONG PUMUNTA sa SAGADA with blogger friends,,,ahihi~~


------
3 weeks ago ata nun, dahil bored ako ng selca (SELF CAMERA) mode nanaman ako,,,
tapos sinend ko kay jowa,,,,papansin lang,,pansinin mo naman ako kuya haha

Tapos sabi niya,,mejo mahaba na bangs mo, pagupitan mo.
Baka daw kasi sagabal saking mga mata harhar..
Ako naman si mabait
Naghanap ng gunting tapos
sabay GUPIT

eh malay ko bang
ang purol ng gunting kaya ayun
UNLEVEL BANGS KO
parang gusto kong magsuicide magcollapse ng mga oras na un lolz jokes lng sympre hahaha...ang OA ko lng...



Ang ganda ng bangs ko noh??
=))))))





Nakwento ko na ba sa nu na gusto kong maging HORROR ACTRESS sa KOREA?:P
Kung magkatotoo man 'yun ganito ata itsura ko lolz.....


P.s next time na muna ako gagala sa mga blog nu...
Tinatamad at busy kunyare ako :P


Cheers,
Unni

Monday, October 17, 2011

Superstar ka KUYA?


Photo nakaw mula sa GOOGLE :P

"I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me
Papa, paparazzi
Baby, there's no other superstar, you know that I'll be
Your papa, paparazzi"


Paano kung mainlove ka sa isang SUPERSTAR
Yung super HOOOOT at FOGI,,as in mas fogi pa sa jowa mong mayaman :P

-----

Friend: Oist, inlove ako ngaun, sa isang model, at aktor..
Ako: Oh, nag-aambisyon ka nanaman..
Friend: Totoo to! Pwamis,,
Ako: San mo naman nakilala yan
Friend: Sa jenternet...=)))
Ako: Gumagaya ka sa akin?
Friend: Wooh...Aktor Jowa mo?
Ako: Sinabi Ko?
Friend: :P
Ako: Eh may BF ka diba?
Friend: Ok lang yan wala naman si jowa dito
Ako: Booo!!Mukha mo
Friend: Huwag ka mas howt to sa Jowa ko
Ako: Mayaman?
Friend: Guapo at howt
Ako: Adik ka tanong ko MAYAMAN ba?
Friend: Naku mayaman yan kasi nga aktor at model dba
Ako: Taga san si Koyang?
Friend: Malapit sa Down Under?
Ako: Ah ok fine ikaw na umiinlove sa mga PUTI..:P
Friend: :P
Ako: Patingin ng pic nya ng mahusgahan ko:P
Friend: ok wait...
sending....
accepting.....
Pag open ng FILE
Ako: POTEEKKKKKKKKKKKKKK ang howt nito....
Friend: OH diba :P natalbugan ang jowa kong mayaman =))
Ako: Hunga..pootk ang ganda ng lahi niyo pag kau nagkatuluyan nito..
Baka naman fake to ha..
Friend: Sira! nakita ko na kaya yan sa webcam
Ako: Nagshow ka?
Friend: =)) Hindi,,siya ang nag show,,,
Ako: insert devilish smile here!!Teka, baka p*rn aktor c koyang ha..
Friend: Gaga di noh,,,
Ako: hmm as in aktor ung lumalabas sa TeeBEEEE
Friend: indi stage actor cya
Ako: Kala ko p*rn actor harhar,,ang HOWT kasi =))
Friend: :))


Kaloka kaibigan ko!
Eh di siya na ang may kachat na Super HOWWT na FOGI...
Sabi niya magkikita daw sila bago matapos ang taon,,
GOODLUCK SAU!!
Goodluck na sana di ka mahuli ng JOWA mo harhar



Thursday, October 13, 2011

Random: Photos and Boring stories #-o








San ka pupunta??
Korea?
ASA!lol


Hindi nga ako pupunta ng Korea ang kulit!
Jan lang ako sa tabi-tabi puhaha,,,,

*******



Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi...
Bangs lang dapat papagupitan ko nung araw na iyon...
Pero lumuwag ata ung turnilyo ko
Kaya kaboom
nabawasan ng 3 inches ang sh*t kong hair lol~


:P
"Sometimes LIFE is so COMPLICATED AND Boring lol"

  • Minsan nakakapagod na,ayaw kong magreklamo dahil wala akong karapatan!!
  • Kung kaya lng ng katawang lupa ko magttrabho ako ng 16 hours straight,matutulog ng 4 na oras at magmumuni muni ng 4 na oras lol gagawin..
  • Kakayanin ko ba hanggang 100 days magtrabaho (3 jobs) mula umaga hanggang madaling araw?harhar goodluck sakin~~~
  • self starter
  • Better vs Best lol...
  • I MISS YOU!!!!!!!!!!!!!
  • Nasusuka ako pero hindi ako buntis lol
  • Napapagod ako kaya kailangan ko ng 1box stress tabs.
  • Namiss ko ng makipagkwentuhan saking mabait at hindi bastos na fren puhaha,,,
  • harhar, ang boring lang ng mga nakakausap ko.......
  • gusto kong lumaklak ng T.Ice
  • Gusto kong matulog ng 24 hours
  • Sana madali lng para sakin pumunta ng Korea harhar...
  • Gusto kong gumawa ng 100 paper cranes harhar
  • Gusto kong gumawa ng video kasama jowaers ko,,pwede skendel hakhak JOKE!
  • Kumain ng Piaya sa bacolod, ng durian kendi sa davao parang tanga lang lol~
  • Magkano ba araw mo?
  • Magkano ba kaya mo?:P
  • I can go down deep
  • You can push me to the limit
  • Hindi ko pa pwedeng sabihin na I SURVIVED #-o
  • I NEED TO LOSE WEIGHT===>10 KILOS,,,SERYOSO Ako..
  • SOMETIMES I MISS MYSELF harhar!!



Literally barely breathing~~~

Wednesday, September 7, 2011

Fate and YOU




Alone..
Far...
Keep wishing
Keep hoping
Keep holding on
Waiting with a longing heart
Loving you endlessly
Keeping you inside my HEART
------

Where are you?
Plz stay in my heart FOREVER ok??
------






I believe in destiny
Do you?

Tuesday, August 30, 2011

Once a week is ENOUGH

Once a week lang daw dapat sabi ni jowaers

Hindi kasi daw maganda kung araw arawin #-0

Paano kung di ko mapigilan?

Gusto ko araw araw :P

Lalo na pag malamig ang panahon

Para uminit saglit ang aking katawan



Minsan may masama akong balak

Gabi na nun

Tulog na ang lahat

Kausap c jowaers

Sabi ko pwede?

Tinanong niya ako nakailan ka na ngaung linggo

Sabi ko isa pa lang

Sabi ko plz

Ngaun lang

With pacute FACE hakhak

Tinanong niya pala ako

Kung magaling b daw akong gawin yun...

Sabi ko depende sa panlasa mo..

Pero sabi ko mas masarap un pag sinamahan ng egg :Phakhak...



Alam mo ba ang sarap ng feeling ko pagkatapos kong gawin un...

RAMDAM kong uminit KATAWAN KO...

Pinagpawisan ako ng bongga....

Feeling ko tumakbo ako ng 5 kms dahil sa uber na pawis..

PERO MASARAP,,

SATISFIED....

Wala na akong masasabi pa!!!!

Pero tama si jowaers dapat once a week lang.....

Nakakasawa din minsan pala pag aaraw arawin ko...:P



*******

KAGABI OO NAGKASALA AKO!!!

HINDI KO NA MAPIGILAN~~~~



PUMUSLIT AKO NG RAMEN

Taragis na tiyan oh

Laging gutom

Kaya ako tumataba eh...puhaha..



Pero hindi niya alam pumislit ang batang mabait hakhak....

Sorry namen...

Sshhh wag kayong maingay OK?

Paktay ako nito pag nalaman niya,,,,











Saturday, August 27, 2011

Pen and Paper :P

Kahit matagal na akong expose sa mga Koreans
May mga words pa din akong di naiintindihan tuwing nag sasalita sila,,,,




***
Student pinahiram Iphone 4 nya sa kin para daw makontak ko kapatid ko sa Korea...


Student: *Insert my name with Korean accent,,tell your sister to download...my paeeeprrrr...so that you can talk with her,,,,
Ako:? Ha?My paper?
Student: *insert myname again,,,,~~~~no~~~my pepper
Ako:?? My PEPPER???
Mukhang naasar na ang student: *INSERT MY NAME HERE WITH PROLONG MODE lol~~
Aishhh,,,,my pronunciation is bad?
Ako: sorry but i don't understand *insert sad face
Student: Ok,do u have pen and paper?
Ako: sure
Sinulat ng student ang lintik na application ng Iphone4 na yan
Sabay bigay sakin
AKO: AHH,,MY PEOPLE
hakhak
sorry namen di ko getching agad....


----


Habang inaaliw ako ng mga student at work,....
Take note: GRAVEYARD SHIFT AKO NUN
Time CHECK: 2 am


Student: *Insert my name with K accent..are u allowed to sleep while working?
Ako: hmmm yeah but only 1 hour..T_T
Student: what if....stirriiir will come here while you are sleeping?
Ako:?stirrir??
Student: hmmm stear stear
Ako: ah you mean thief?robber?
Student: nashunga di kilala c kuya thief or robber...
sabay nag-aaksyon syang may cover daw ang face,,,,,,,
ok give me pen and paper...im good in drawing..i will draw
Ako: ok,,,
Pagkatapos mag drawing ni bata,,,
tahdan....


Eh di mas naintindihan ko hakhak,,,
Usually pag di ko maintindihan ang pinagsasasabi nila either papadrawing ko,papasulat sa papel anong spelling or tatanungin kung ano ung word in Korean mas madali pa kaming magkaintindihan puhahaha


namiss ko tuloy mga students T_T...




Tuesday, August 23, 2011

Hindi lahat ng ORAS MATINO KAMI :P

BABALA: Ang mga random convo na mababasa nu ay pawang katotohanan na may halong KALOKOHAN :P

BAWAL ang PABEERRGEEEN,MAPANGHUSGA at NAGMAMALINIS :P



PATNUBAY NG SARILI AY KAILANGAN PUHAHA~



Friend:unniunniunnicorn

Ako: pooteek nagulat ako sa pm mo

Friend: nagulat pa..

Ako: musta

Friend: eto busy busyhan pa.. sumandali lang

Ako: naka mud f*ck ako now haha

ako:jusko haha

Ako pack pala puhaha

Friend: putekk kaaaaaaaaa

Friend:gulong katatawa

Ako letche ka

Friend:natawa ako dun putek

Ako: tae to

Ako:seryoso ako dun

Friend:e kasi naman mud f*ck este mud fack ka pa dyan eh!

Friend:=)))))))))))))



--------

Ako: ano ba height mo?

Friend: 4flat..

Friend:height ko?

Friend: 4 th

Friend: 4ft.

Friend:insert devilish smile here

Ako: tse~

Ako: umayos ka

Ako: ano nga height mo

Friend: hmmmm di ko alam~!!!!

Friend:teka sukatin ko..

Friend: 5'7" vertical 5' horizontal

Ako: puta s ahorizontal

Friend:: >:)



--------

Ako: *insert name ni friend here**********

Ako:puhaha

Ako: finally

Friend:woshooooooooooooooo

Friend: finally nabasa ang natutuyot na tubigan ba yan??

Ako:): pota ka

Ako: hahaha

Friend: =))

Ako: oh

Ako: bat mo alam???

Ako: puhaha

Friend: iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

Friend:talaga..

Ako: haaahha

Ako: adik to

Ako: : sa tingin mo?

Friend: *thinking*

Friend: siguroooooooo

Friend: =))

Friend: joke lang..

Friend: ang ganda nung mga pekpektyurssssssssssss

Friend: =))

Ako: hahahha

Ako: tae to



------



Friend: sinundo mo sya sa heirport?

Ako: uu hehe

Friend: ang sweet ng unnicorn! ako rin sunduin mo rin sa airport! taeng to..

Ako: pwede

Friend: *insert devilish smile here*

Ako: adik to

Ako: : pero ayun nga

Ako: sympre ang daming pasalubong ni kuya hahaa

Ako: halos lahat ng nasa wishlist ko

Ako: jusko nidala

Friend: o tapos.. e yung wishlist nya binigay mo naman.yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

Friend: smug

Ako: *insert devilish engoticon here*

Ako: isa lng naman wish nya kaya madaling ibigay

Ako: pota ka *insert name ni friend

Friend: yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

Friend:tae ka unnicorn

Friend: pag ako nakitang tumatawa dito ikaw sisisihin kooooo!

Ako: d ko alam meaninng ng yiiiiiiiiiiiiiiii mo

Ako: baket?

Ako: sinagot ko lng tanong mo

Friend: madaming tao natatawa ako putek

Ako: anong nakakatawa sa sagot ko?

Ako: : puhahhahaah

Ako: pero happy naman ako~



-----------



Friend: ang ganda nung pinuntahan nyo..

Friend: may yakapan na naganap talaga s picture..

Ako: : puhahaha eh request ko dun na resort eh

Ako: haller alangan naman magtitigan lng kami

Ako: eii

Friend: ihhhhhhhhhhhhhhhhhh

Friend: totnakan?

Friend: *insert devilish smile here *ihhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Ako: straight face

Friend: di nga??

Friend:: weeeeeeeeee

Ako: alam na

Friend: =))

Ako: tae to seryoso na yan sagot ko ha





Saturday, August 20, 2011

Ang SUPPORTIVE NILA!!!!

Ako: Ma, paano kung buntis ako ngayon?
Mama: Congratulations! hindi ka baog,,,
Ako: dahr lols

------
Habang nanonood kami ng pagwawakas ng minsan lang kita iibigin......
Papa:Gusto ko ng magka-Apo
Sabay tingin sa akin,,,,,
Si Mama kinalabit ako,,,,
AKO: *Alam na! lol.......

------
Ako: Oi alam mo bang parang gusto ko ng magka-anak ngaun,,
Friend: Hui pakasal ka muna,,
Ako: dahr hindi na uso sa kin yan,,,gusto ko lang magka-anak na,,,puhaha
Friend: parang ako lang,,
Ako: Kaibigan nga kita!
Friend:Apir,,pero magpakasal ka ha,,tapos gawin mo akong singer sa kasal mo,,,
AKO: Takte, gagawin mo pang karaokehan KASAL KO!!!
lol,,,*insert mukha ni lucifer here puhaha*

-------
Ako: Paano kung mabuntis ako?
Jowa: Eh di mabuti,,,magkakaron na tau ng anak,,,
Ako: *himala* lol,,,,,
Ah sabi nga pala ni Mader gusto niya na daw magka Apo,,,
Jowa: Eh di regaluhan natin...
Ako: ng?
Jowa: Anak natin,,
Ako: why not coconut***go ngaun na :P

Wednesday, August 17, 2011

Teaser: Skendel





I CLICK ANG PIKSHUR ng MABASA :P


Abangan ang convo ng 2 adik na magkaibigan...lol~


Sunday, August 14, 2011

I miss...



*The place, the noise, the people calling my name with their accent.
*their smile :(
*their morning greetings.........
*random convo with people
*their facial expressions everytime i talk to them in Korean kkk
*the morning rush
*the traffic jam
*the laser touching my face lol~
*eating in gazebo
*staying in friend's room...i miss the convo,sharing secrets blah blah blah..
*drinking coffee during lunchtime lol...
*having dinner after work
*making a card if someone's leaving :(
* i miss everything and everyone in there...



*I miss her
*her smile
*watching movie with her
*eating sundae with her
*sleeping with her..i hate sleeping alone #-o
*her sillyness
*her wrong sense of direction lol
*getting lost with her,,
*seeing her sleeping like a baby kkk
*her advices
*her acts like she's the older sister kkk

I miss you little princess, hope you're doing well in Korea...i'll see you soon there ok?....:P


























*I know we're talking everyday
But don't blame me if i keep missing you..
I know you feel the same way too..
I miss you
I can't hide it
I can't deny it
I can't tell myself to stop coz
I can't
I can't....
----------------

I can't wait to see you soon....
Plz don't make me wait too long kkk

사랑해요~~마니마니~~





Saturday, August 13, 2011

COMMENTS OFF :eymohness,,,,

Iba na ngaun
Hindi na gaya ng dati
Marami ng nagbago gaya ng nararamdaman ko sa iyo
Wala na
Lumamig
Pinabayaan mo kasi.
Ayaw kitang sisihin
Mas yaw kong sisihin sarili ko sa nangyari
Alam mong ginawa ko ang lahat
Pero binalewala mo lang to...


Sorry pero hindi ko na maibabalik ang kahapon
Hindi ko na maibabalik ang dati kong pagmamahal sa iyo
At hindi ko na rin maibabalik na maghintay sa iyo...........


Masaya na ako ngaun
Obvious ba?:P




Friday, August 12, 2011

Salamin





Malamig ang simoy ng hangin

Ako lang mag-isa sa kinalalagyan ko

Kayod kalabaw

Bawal matulog

Kung hindi sesante ako

Bakit ko ba ginagawa yun

Wala naman akong anak na binubuhay lol~



Nilamon ng katahimikan ang kapaligiran

Tanging laptop ang karamay ko ng mga oras na iyon

Mga lamok na parang uhaw sa dugo

Aray!!!!!Wag nyong ubusin dugo ko

Si kuya guard tanaw mula sa kinalalagyan subalit nauna pang natulog sa mga binabantayan..



Tahimik

Malamig

Nag-iisa

Ayaw kong matakot

Wala naman dapat ikatakot eh



PERO LETSUGAS

Ano tong nakikita ko

WHITE LADY

ayaw ayaw

pero di ako nahihibang nung mga oras na iyon

Kasi nakailang beses n din ako nakakita ng mga ganung nilalang eh

Mas matindi pa dun



Ayaw ko sanang maniwala sa nakita ko

Pero marami na akong naririnig na kwento tungkol dun

Ayaw ko din naman isipin nila na gawa gawa ko yun

Pero nung pinadescribe sakin kung san ko nakita

Eh dun din nila nakita yun eh



MALAPIT SA CR



Lintik na!!!

Sa isip isip ko

Paano kung makita ko ulit un

As in face to face kami

Or DUn sa cr

Tapos

Pag tingin ko sa salamin siya makikita ko

Nakakapraning!!!!!!!!!!!!



Ayaw kong isipin na natatakot

Ayaw kong isipin na papaapekto ako sa nakita ko

Ayaw

Ayaw

lalong lalo na pag naiihi n ako lol~

Kailangan kong pumunta ng CR eh...,



Kaya nga one time

Same time

3 am

naiihi ako

Same situation

Tahimik

ako lang mag-isa

Pumunta ako ng cr lintik sabing wag lalaklak ng maraming tubig para di lagi maihi

Natatakot ako nun

Sabi ko sa sarili ko bahala ng makaface to face ko siya wag lang cya papakita sa salamin

Kaya nung pag pasok ko ng Cr

iniwasan ko talagang

lumingon sa salamin

Pero

biglang BANG!!!!



Nagulat ako sa nakita ko....................

OO nagulat ako sa pagmumukha ko na nakaharap sa salamin

EYEBAGS

DRY SKIN lol~

Ako na ang haggard..

Kaw ba namang gising pa ng madaling araw di ka mag kakaeyebags???

lol :P







Danda ko noh????:P







Wednesday, August 10, 2011

My SARANG


"LUCKY COUPLE"


2 buwan kitang hinintay
Nanahimik ako tungkol sa iyo
Mangilan ngilan lang ang sinabihan ko tungkol sa iyo
Kung sino ka
Kung saang lupalop ng earth ka nakatira
Kung bakit kita mahal
Kung bakit ako nanghawak sa pangako mo na darating ka...

Hindi mo ako binigo
Eksaktong unang araw ng Agosto nagkita na tau..
Feeling ko ng mga oras n iyon matagal na kitang kakilala
Hindi mo ako binigyan ng awkward moment or ung uncomfortable feeling pag kasama ka
Kaya nga love kita ng maraming marami...

Teka pwedeng kiligin nung niyakap moko ng mahigpit sa ating unang pagkikita,,
Alam mo bang matagal ko ng pinapangarap na sana may yayakap sakin ng ganung kahigpit,,,
Ok fine korean style,,ung parang napapanood ko lng sa movie eh naranasan ko na rin sa wakas,,,wohooo...


Salamat sa iyo..
Sa pagtupad sa pangako mo
Sa pagdala sakin sa isang bonggang resort detei...alam kong alam mo na matagal ko ng gustong pumunta dun...salamat....
Sa pagsuot ng couple tee kasama ako
Sa pag-alaga sakin nung nagkasakit ako..alam mong ayaw ko ng hospital pero bongga napilit mo ko kkk~
Sa pagiging genie ko,,,wishes granted!
Wala na akong masabi~
YOU'RE THE BEST!
Sa pagiging confident mo nung nagmeet kau ng parents ko...
Sa pagiging uber sweet...weeiii kinikilig ako lol~

Ngaun magkalayo nanaman tau TT
Pero nagpromise ka na babalik ka ulit
Aasa ako ulit dun~
dahil alam kong tutuparin mo un..
Ayaw ko ng maging NEGA...

Miss na kita
Kahit alam kong araw araw taung nag-uusap
Pero iba parin yung nakikita kita ng mukhaan
Nahahawakan
Nayayakap
Nahahalikan kkk~~
Miss ko ng pagmasdan ang mukha mo habang natutulog ka
Miss ko ng marinig boses mo habang sinasambit mo ang name ko with the korean accent..TT
Miss ko na yakap mo,halik mo, miss ko ng marinig heartbeat mo
Marinig paghinga mo
Miss ko na ung hihaplos mo buhok ko
Miss na kita ng bongga TT
Miss ko ng makipag holding hands sau kkk
Miss na KITA OPPA~~~~~~~~~~~~~~~~

See you again~~

SARANGHAEYO OPPA MANY MANY MANY<3

Tuesday, August 9, 2011

Floating!





Bumalik ako hindi para mag-ingay

Bumalik ako hindi para mang gulo sa mundo ng blogging



Bumalik ako dahil namiss ko 'to

Namiss kong magbasa ng mga posts niyo :(

Namiss kong magsulat ng kaadikan



Halos 4 na buwan din akong nawala sa ere...ng blogging lng :P

Sa dami ng nangyari sa buhay ko

Hindi ko na alam san uumpisahan ang kwento ko

Nakailang tangka akong umpisahn ang isa ngunit nakailang letra lang ako di matapos tapos..



Ang dami kong namiss

BLOGGER FRIENDS,

CHISMIS lol

Mga pangyayaring hindi na pwedeng ibalik ng kahapon

Mga kwentong pinaglipasan na ng araw

Mga ngiting gusto kong makita sa mga kaibigan ko

Mga kulitang nagpapangiti sakin





ANYWAY, IM BACK REALLY BACK PLZ PIGILAN NIYO AKONG WAG NG MAWALA lol~





CHEERS,

UNNI<3











Monday, January 24, 2011

Stress layuan mo AKO...#-o

Hello all..kamusta naman kayo?

Wag nu akong kamustahin dahil ito lang isasagot ko sa nu: MAY TOPAK AKO...

Baket ako may topak?Di ko rin alam ang sagot ko sa tanong na ito,,,

Pero duda ako sign na ito ng menopausal stage ko puhaha...

Kanina, nakatulog nalang ako sa kaiisip ng mga bagay bagay na di naman dapat isipin..ang gulo ko lang..

Ewan ko bat nasimulan ang araw ko ng ganito,,ang nega lang,,,,pilit kong nilalabanan para si positive vibes pumasok pero mukhang failed,,


-------

Pag gising ko kaninang hapon parang gusto kong manakal ng tao,,kaya nga sabi ko sa sis ko wag siyang pasaway at mangungulit dahil baka masakal ko siya ng wala sa oras,,,jokes lng pero pwede rin maging totoo :P


-----

Nakakastress ang mga nega na tao nakakahawa ang nega vibes nu..plz layuan nu muna ako,,,wakuku~~~~


P.S Si Nemo pandagdag sa stress ko today,,,di ko alam kung lasing ba siya or nang aasar lang dahil wrong sent ang drama niya...