Thursday, August 12, 2010

Payo lang naman!!!!


Dear GF ni EX....
Ang swerte mo naman ang pogi ng BF mo ngaun..:P
Pero mas maswerte ako dahil ako ang unang babaeng nakahalik sa kanya haha:P
Anyways express h-way, sana lang mahalin mo siya ha gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ai mali sabi niya wala na daw makakapantay sa love ko sa kanya eh kaya sorry ka..
Bibigyan nalang kita ng konting tips para mejo tumagal naman relasyon nyo..Papainom ako sa barangay namin kung nabreak mo record namin na umabot ng isang dekada haha~
Ok diretso na ako ha, basahin mo ito ng bonggang bongga at itanim mo sa utak mo ha..OK?
-Ayaw ni Ex ang maarte, kaya wag kang engot ha..dapat pag sinabi nyang tatalon kau sa bangin talon ka ha wala ng tanong tanong..jokes lng,,
-Ayaw niyang naghihintay ng matagal tuwing may date kayo kaya kung mabgal kang kumilos tulad ko at may lunch date kau dapat madaling araw pa lang prepare ka na dahil tiyak gyera ang north and south Korea nyan..
-Sweet si ex kaya dapat sweet ka din dahil pag bitter ka sa kanya papakainin ka nya ng maraming ampalaya pa at bubudburan ng maraming asin lols~
-Huwag kang tamad ha ayaw niya yun.
-Maligo ka lagi at magpabango. Hindi ko sasabhn ang fave scent nya na gustong amuyin bahala ka na magresearch dun lols~
-Ayaw niya tatanga tanga dapat madiskarte ka...tandaan BAWAL ANG TANGA SA KANYA...
-Huwag kang magdamit ng sexy clothes ha,,dapat kunwari conservative ka kunwari lang ha..kung matalino ka alam mo na ibig kong sabihin :P.
-Fave niya palang kumain ng halu halo sa chowking kaya pag sweldo mo libre mo cya ha. samahn mo na ng siomai..
-Kung kaya mong magpuyat na kausap cya gawin mo ha dahil maappreciate nya yun.
-Nga pala wag ka masyadong malandi ha seloso si ex eh..haha
-Fave nya macaroni salad kesa sa spaghetti kaya dapat magaling kang gumawa nun ha.
-Ayaw niya ng matatamis gusto niya spicy hot..because he's hot lol~
-Wag kang bilmoko girl ha di mayaman si ex may pera lang haha..
-dapat cool ka lang magmahal ayaw niya masyadong mushy..you know naman mga lalake.
-dapat din para kang girlscout laging handa..laging handa san man kau mapunta gaya ng magdala ng jacket baka mapadpad kau sa lugar na malamig at....bwahaha alam mo na yun adik ka kung di mo alam yun:P..(sinehan yun adik ka) ai mali basta hehe...
-Nga pala hate niya magsuot ng couple shirt kaya wag kang mangarap na magsusuot nun with ex ha..
-Pag nag-aaway kau chill ka lang hayaan mo siya hanggang magbreak kau jokes lng,,haha..pero kung kasalanan mo magsorry ka ha di porket babae ka kaw laging susuyuin..
-Igreet mo siya sa bday nya ha at don't forget ang gift.Ok na sa kanya ang Cp or ipod lols~di naman cya ganun kaarte eh hahaa..

Hanggang dito nalang ha..
Gaya nga ng sinabi ko dapat madiskarte ka kaya diskartehan mo na kung ano pa likes and dislikes nya OK?

Goodluck sa iyo~


Ang mas maganda pa sa iyo,
Cinderella:P

No comments: