Mapait
Black coffee
With cream
Non-fat
Less sugar
Cold/Hot
Kape, ito na ata ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa buhay ko ngayon.
Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa ang aking pagkahumaling sa kape.
Natatandaan ko noong bata pa ako, kapag nagugutom ako at walang perang pambili si Mama ng merienda para sa amin, pupunta ako ng kusina titignan ang kaldero kung may kanin pa.
Kanin-Check
Kape at mainit na tubig-Check
Magtitimpla ng Kape sa bowl pagkatapos ilalagay ang kaning lamig sa kapeng tinimpla.
Solb na ang nagugutom kong bituka noon.
Masaya na ako ng ganun, hindi ko alam saan ko nakuha iyong style na ganun, ang pagkakatanda ko lang ang kapatid kong babae ang may pasimuno nun, nahawa lang ako.
Ate, KAPE?
Oo ba, libre mo?
Oo ba, ano bang gusto mo?hot or cold?may cream or wala?
Kahit ano, basta aantukin ako pagkatapos kong laklakin yan.
Ang weird mo te, aantukin pagkatapos uminom ng kape?
Oo, hindi ko rin alam kung baket, kaya nga pag gusto kong antukin, kape ang iniinom ko, pero iniiwasan ko yan pag nakagraveyard shift ako.
"One cafe latte please"
5 comments:
sa work ko nakaka 8 cups yata ako ng coffee hehehe
Gusto ko tuloy magkape ngayong umaga dahil nabasa ko tong post na to. Kaya lang sarado pa ang mga stores dito.. hehe.. naubos na ang kape namin eh.
tara, kape tayo! :D
Reverse effect ka pala pagdating sa kape eh. :-P
Hapy New Year Unni.
Weird ka nga...LOL kape pampatulog?
Naranasan ko din yang ginagawang sabaw ang kape nung kabataan ko...hehe..pati ung mantika+toyo+malamig na kanin...hehe
Post a Comment