Tuesday, December 21, 2010

Happy Bertdei--> ????


Happy Bday to you~~~
Happy Bday to you~~~
Happy Bday, happy bday, happy bday to you~~~

Teka sino nga ba ang may bertdei ngaun???

Aktwali di ko rin alam eh haha~~.
jokes lang~~~

Pero ang alam ko isa sya sa mga loves na loves ko dito sa bloggy world~ayeeiiii

Sino nga ba talga ang may bday...

-Siya yung una kong stalker dito sa cyberspace lols~~
-nagttyagang magbasa sa mga walang wenta kong post
-ka3some wholesome namin ni yanah haha
-ka one on one pag wala c yanah
-mapagmahal na anak,kapatid at bf,,,wosshooo
weehhh papuri na to ha
-thoughtful na friend...totoo to..ayan ha dapat may choco ako galing sau haha
-matulungin
-may colorful na toooot**** tama ba??nyahahaa
-engineer...at nagttrabaho sa isang bonggang korean company...
-minsan emotero pero madalas madalas madalas hahha..tigang paki konek hahahah,,tae sorry sa word
-gusto ko cyang mameet sa personal kasi ililibre nya daw ako at magvivideoke kami with yanah wooshooo...
-sya ang nagpangalan sakin ng unnicorn ang adik nya lang...
-minsan na issue cla ni yanah haha...
-madalas naka invi sa ym gaya ko haha
-minsan busy minsan petiks



Kilala nyo na???

Sige na nga papakilala ko na,,,

Ang ating bertdei BOY ai walang iba kundi si POLDO

Di kumpleto araw namin ni yanah pag di namin nakakachat ang batang ere,,ok payn bata talga kasi naman mas bata cya samin ni yanah ng mga 100 years haha...

Ipopost ko sana pic nya dito kaso baka patayin na ako ni poldy nyahaha..kaya wag nlng ifren nu nlng cya sa fb para makita talga fessness nya...^_^

TO POLDY:
Salamat ng bonggang bongga sa mga araw na napapangiti mo ko..
Sa mga advices mo, sa mga kulitan moments natin,,(remember the q and a portion letch di ko talga makakalimutan yun haha)..
Sa mga time na nakikinig ka sa mga paulit ulit kong sentiments.
Sa lahat lahat na di ko na kayang isa isahin pa dahil ang tamad ko na haha...

Basta ingat ikaw lagi ha,,andito lang ako para sau..

And I hope maging Ok na si mama mo,,alam mo naman yun diba~~...

Enjoy your bertdei,,,
Sana naman magkita na tau sa January diba,,,

Oist pasalubong ha hehehe,,,

Hamishueee ng bonggang bongga~~
Ang busy ng life natin now~~~~



Ang iyong ka one on one,

Unni♥




P.s.. Scheduled post

Wednesday, December 1, 2010

Sulat ni Ako para kay IKAW....


Dear Ikaw,
Uu ikaw...:P
Teka tatagalugin ko muna ha para di mo maintindihan adik lang~~
Ayaw ko naman mag-english kasi konti lang red blood cells ko ngaun baka maubos eh mamamatay pa ako,,
Ayaw ko naman magaya kay nemo na patay na (pinatay ko lols,,letch nagparamdam pa,,,haha)..

Anyways express hiway,,bakit nasingit c nemo dito di naman yun ang concern ko hahaha...

Teka balik tau kay Ikaw.....
Ikaw, sana ikaw na nga wakuku....
Ikaw na ang magpapasaya ng aking malungkot na buhay now..ai mali di ako malungkot,,bigyan mo nlng ng more colors ang life ko weeiii (react ka?)
Sana ikaw na yung magpapakilig sakin ng bongga....as in bonggang bongga ok,,yung di lang pang 1 month dapat pang habang buhay wosshoooo...
Sana ikaw na yung lagi kong hahanapin bawat minuto,,,taragis ang korni ko na..di ko na to matake..lols~~
Sana ikaw na yung makakapartner ko at magsusuot tau ng kople syert (sympre iniba ko spell para di nya maintindhan,,,mahirap na baka maligaw yun sa blog ko wakuku)
Sana ikaw na yung magpapakabog ng heart ko ng bongga yung tipong dadalhin nko sa ER dahil sa uber palpitation...syempre jokes lng yun mahal kaya maospital...basta oks n yun sakin yung pinapakabog mo heart ko saglit...:P
Sana ikaw na yung magpapangiti sakin araw araw ayeeii..isa pang kakornihan to letch pa ng bongga,,,
Sana ikaw na yung last na lalakeng mamahalin ko,,,wahahaha..(mag reak basag ang bungo :P jokes lng)

Ayan na mental block ako teka tama ba spell??kasi naman habang ginagawa ko to tinawagan ako ni nemo tama ba yun..wakuku~~~


Basta basta hindi si nemo to c ikaw to, yun lng yun haha...


P.S..bat ang daming sad na krung2 now...Winter na dba...di na FALL..wakuku....

Hanggang dito nalang.......

Ang babaeng nangangarap na mahalin ni Ikaw...

Si AKO..:P



Thursday, November 25, 2010

Matalinong Tanga...

May kaibigan ako:
-maganda cya (kalevel ng kagandahan nya yung mga sikat at magagandang artista sa TB TV
-sexy (vital stats.....36,34,4034, 23,35) oh ha ang sexy talbog ako dun ah
-mala anghel ang boses niya....yung tipong parang high na high ka sa drugs pag naririnig mo ang boses nya :p
-funny girl, kaya maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang sex sense of humor...
-madiskarteng babae, yung tipong di na kau maglalakad ng 10kms dahil ang perang dala nu eh pambili lng ng 2 pirasong snowbear dun sa may kanto..Eto secret niya......isang kindat lang kay manong driver alam na!!!!! hahaha....
-pero kahit ganun pa man si ateng matalino yan,,cumlaude, major in english ang course at titser sa isang kilalang skul dito sa amin...talbog lahat ng mga nakalaban niya dun dati sa oral oratorical ba yun...umuuwing luhaan lahat ng mga kontestant dahil pinakyaw niya lahat ng prize..... hahaha..
Ok payn siya na ang matalino!!!!!

Nung isang araw nichat niya ako,,gusto niya daw magsuicide........
Fren: *Insert my name here* gusto ko ng mamatay....di ko na kaya to..
Ako: Huh?bakit anong problema?binugbog ka nanaman ng pogi mong matandang bf???
Fren: Hindi gaga ka,,,,
Ako: Ano nga?para ka lang tanga...dali sabihin mo ng masolusyunan natin yang problema mong halos ikamatay mo ngaun.....
Fren: Kasi ganito, nag ffb ako kanina eh..
Ako: oh tapos,nakita mong may ibang gf c bf mo sa fb?
Fren: Sira ka talga,,pangwasak ka ng moment eh...
Ako: aba malay ko ba...
Fren: Sige, resib mo tong file na isesend ko ha kung ipopost ko ba to sa wall ko,,,kasi parang gusto ko ng mamatay sa result eh...
Ako: Ok payn,,,
Sending file........................................
Ayun naresib ko na ang file,,,,,

Pag open ko ng file...Ito ang bumulaga sa fess ko ....


Gaano ka ka tanga APP: RESULT: TANGA KA NA TALAGA!!!!!!!


Ako: Oh anong problema mo dito sa pic?
Fren: Di mo ba nakikita SABI NG FB APP TANGA DAW AKO TALAGA...
Ako: taragis ka,,,,,,,,,,,, kala ko kung anong problema mo,,ilublob mo nlng yang sarili mo sa hot spring hahaha...
Sabay offline ako...

ang adik ng fren ko kala ko kung anong problema niya...
Pinoproblema niya daw kung ipopost niya yun sa wall niya or indi hahahha....

Chineck ko yung profile niya kahapon.....Deactivated na FB niya haha...duda ako nilublob niya talaga sarili niya dun sa hotspring....=)))))))))))
Kung ginawa niya nga yun...ISA TALAGA SIYANG TANGA....









Sunday, November 14, 2010

Unni is BACK♥

Isang buwan din akong nawala sa sirkulasyon.
Ang busy kunyare at ang uber tamad kasi ako kaya ayun di aketch nakapag update dito ng bongga, ai mali sinadya ko talagang manahimik dito..
Kasi nga may inaasikaso akong ibang bagay na mas mahalaga na ikakasiya ko lols :P

Anyways hiway sa isang buwan kong pagkawala ang daming nangyari...
Di ko na nga alam kung saan ako mag uumpisa mag wento eh kasi sa uber dami dba......
------
Pero kahit busy life ako nabobored din pala life ko hahaha sus mi akalain mo yun...
At dahil sa boredom eh nitatamad na akong mabuhay sympre jokes lng marami pang nagmamahal sakin noh....

-Minsan pag bored ako parang gusto kong tumalon mula sa 37th floor...hahaha pero syempre tamad ako nakakatamad umakyat mula ground floor to 37th floor kahit mag elevator pa ako,,,
-Minsan pag bored ako kain ako ng kain yung tipong lahat ng food lalafangin ko ng bongga nyahaha...Pero pag nitatamad naman ako nakakalimutan kong kumain...yung tipong kape lng pala laman ng tyan ko 24 oras kamusta naman yun nagddiet ba ako?Nope,tamad lang kumain pwamis.
-Minsan pag bored ako kahit sino nalang kakausapin ko basta lang may makausap ako or makachat para masaya at makalimutan kong bored pala ako hahaha...Pero pag tamad naman ako kahit sinong pogi ka pa ai mali kahit sinong makulit na nilalang ka pang magsent ng pagkadami daming IM ignore much kita ng bongga sorry namen di ako suplada tamad lng tumipa sa keyboard :P
-Pag bored magpapaload ako tapos ittext barkada ko letch minsan ko lng to ginagawa pwamis..pero pag nitatamad naman aketch naku kebz ako kahit empty bat na ang napakaganda kong cp ng 3 araw haha..
-Pag bored ako tulog ako ng tulog,,woshooo ang saya lang,,,pamatay oras,,pero pag tamad naman ako di ko alam kong natutulog pa ba ako ng maayos nyahahaa..maswerte na kung nakatulog ako ng 5 oras isang araw.taragis na insomnia to pinahihirapan ako,,,
-Pag bored ako reblog ako ng reblog sa tumblr ko pero pag tamad ako wala akong paki kung may update ako or wala ang tamad ko dba..ahihi...
-Pag bored ako ang adik ko lang kulitin webcam ko piktyur dito piktyur doon,,,kung pwede lang sumigaw ng cam ko ng NAKAKASAWA NA pagmumukha mo ginawa niya na..pero pag nitatamad naman ako kahit gusto kong ngumiti sa harap ng cam ko di ko magawa arrgghhh hehee...
-Nung nabored ako ang dami kong sinalihang online dating sites taragis desperada mode hahha...pero nung tinamad na ako yun at yun din kasi ang pagmumukha nakikita ko everyday eh..cancel account agad lols....ayan ha wala na akong account :-"
-Pag bored ako iniisip ko kung mananalo ba ako ng 400 M makakagawa na kaya ako ng sarili kong theme park? pero pag nitatamad naman ako ayaw ko ng isipin future ko lols jokes lng,,,adik lang ako...

Hala hanggang dito na muna ang ingay ko na ulit,,,
HAMISHUE ALL...

EBIDENSYA NA BORED AKO :P ahihi~




Thursday, October 7, 2010

Energy drink at GEL


May 3 Nilalang na sadyang pinagtagpo ng tadhana para magkulitan....

Ang topic nila kagabi..Ubusan ng energy!!!!!!!!!!!!!!
Kasi may balak silang ikaliligaya nila kaya suggest mode sila kung ano ang mainam na inumin para di maubusan ng energy haha...

Boy blogger: teka sige nga try na yan!!!!!! wooohoooo!!!! extra joss, lepovitan at cobra!@!!!!!
Adik na blogera: gumulong sa kakatawa,,,
Mas adik na bloggera: maoverdose sa energy drink
Mas adik na bloggera : aba tinawag na lahat
Mas adik na bloggera : rofl yung tipong gulong gulong na sa kakatawa
Adik na blogera: gulong gulong sa kakatawa
Boy blogger: kailangan ng extra energy!!! teka may idadagdag pa ako.. may meron ding BOMBA Energy drink dito!!! Wahahahahaha
Adik na blogera: 3 tawang pagulong gulong
Mas adik na bloggera: oh come on
Adik na blogera: ginseng din hahaa
Boy Blogger: gulong kakatawa
Adik na blogera:devil laugh
Mas adik na bloggera: jusko
Boy Blogger: wag ginseng!!! pampalambot yun!!!
Adik na blogera: gulong kakatawa
Boy Blogger: kailangan laging matikas!!!
Mas adik na bloggera:daming tawa sa pampaSOFT tawa ulit gulong gulong smiley
Adik na blogera: devil laugh pamSOFT hahhaa
Boy Blogger: tawa ng tawa oh.. magO kayo nyan!!!
Adik na blogera: pampatigas???GELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL yung super hard
Mas adik na bloggera: oh come on SMiley
Adik na blogera: gulong sa kakatawa with devil haha
Mas adik na bloggera: maka gelllllll
Adik na blogera: gumulong na sa kakatawa……I BLOG NA TO! Di kaya tau ma MTRCB nito? Devil laugh na marami haha...
Mas adik na bloggera: tatalunin ung PG ko na entry gulong kakatawa...
Boy Blogger: HOY WALANG MAGBBLOG! Itutumbobg ko kayo sa PULIT.......

Tuesday, October 5, 2010

I love my Family and Friends~

Ayaw kong ilugmok sarili ko sa letch na emo mode...
Hello mahal ang facial cream para gumanda ako lols~~~So kailangan ko ng ngumiti~~
Instead na patayin ko sarili ko sa kalungkutan na kung ikukumpara sa problema ng iba kong kakilala eh sus mi parang tanga lang ako mag EMO...
Kaya ayun salamat naman sa mga friends ko na anjan lagi na nakikidamay sa emo mode ko,,,ahihi~~

And of korz Thank You sa family ko...
Dahil sa kanila I'm trying to be strong....


------
Ilang taon n ding pinangarap ng Mama ko na magpapicture kaming family..
Ewan ko ba bat di matuloy tuloy
Tamad lang siguro kaming magproject sa camera haha..
Pero nung Sunday final na to nakapagdecide na kaming magpapicture..
Oh ha ang saya namin...


Ang PAMILYA BUENDIA-JEONG





Ayun po~~
Masaya na ako dahil anjan ang family ko...
Kahit alam kong di kami ang perfect family basta alam ko dahil sa kanila natutunan kong mahalin ang buhay ko...

Siya nga pala bago ko tapusin ang posteng itetch
nais kong magpasalamat sa mga taong nagpangiti sakin nung mga panahong ako'y sad....(gumagaya kay YANAH lols)

Koyah AIM- Ikaw na ang di naniniwala na di ako adik hahaha...Salamat sa panandaliang aliw na hatid mo samin nila Yanah at Rose lols~~
Sus mi natawa lng ako kahapon dahil parang di ka naniwala na sad ako hehe,,pero oks na ako koyah! pwamis ahihi...

B~
Thanks ha alam mo na po iyon! Hope na magiging OK ka na din~~

Kuya LORD CM-salamat sa award~natats naman aketch~~di ko iniexpect yun dahil parang ang adik lng ng mga poste ko ahihi....

Jag- Salamat sa time ahihi..ikaw na ang mayaman at gumagala lng pag gusto mag unwind..
Nga pala sa uulitin salamat dun sa request ko ha ahihi~~~Sensya nung time na napressure kita at hinihingi ko na talga yung request ko haha~~
Sana maging happy ka na din sa lablyf mo~~

Rose- Miss google haha..ikaw na! Aliw na aliw ako sa iyo lalo na pag nagcoconfe tau at yung mga hirit mong BRB at bibigyan mo kami ng link ng mga unknown words samin,,weehh unknown ba or censored lang talaga hahaha....Salamat rose~~nga pala ang ganda ng hair mo ahihi~~

Poldy- ihatechu jokes mag hiatus mode ka.....hehehe..mamimiss ka namin ni yanah...kaw pa nman ang number 1 stalker ko este commenter ahihi~~
Pero i know mamimiss mo rin kami kaya balik ka agad ha....wewillmissu...

Yanah- dahil sa iyo nakompare ko ang problema ko eh katiting lng sa pinagdadaanan mo...
Salamat sa time mo sisteru~~thanks at nakilala kita dito sa mundo ng blogging~~Dahil sa iyo napapangiti ako araw araw sa mga banat mo haha...

Kayedee- Ter salamat sa iyo ha..alam mo naman isa ka sa mga bestfriends ko dito sa mundo ng blogging,,
Salamat sa iyong pakikinig saking paulit ulit na wento ahihi...naiiyak lang ako haysss..
Salamat sa pag-iintindi mo ha,,Ikaw na muna bahala dun sa isa kilala mo na cno yun mwahugsss..hamishue~~
Ikaw na ang umaariba sa lablyf~~..

Kekz-Alam mong isa ka sa mga nauna kong nakilala dito sa blogsphere~~I miss you~~Salamat, alam mo na ang ibig kong sabihin,Ayaw ko ng ielaborate pa~
Baka may umepal ahihi~~
Miss ko na kau nila Arnz, Julieta at ng iyong asawa....
Sana magkaron ako ng chance na mameet kau nila arnz...tapos inuman tau haha~~parang adik lng~~
Miss ko na ang mag-ingay kasama kau :(.....

And sa mga readers ko kung meron man,,,Salamat po ng marami sa pagbisita saking blog!!!!
HALABSHUE ALL~~~mwahhh..










Thursday, September 30, 2010

Fiction930: Doraemon


May Kras ako
Papakilala ko sa inyo.....

Itago nalang natin siya sa pangalang Doraemon
Doraemon di dahil kamukha niya ito kundi parang abnoy lang siya minsan gaya ni Doraemon.

Matagal ko ng kras si Doraemon kaso di niya ito alam dahil MANHID SIYA. at may iba siyang kras...

Hanggang ngiti at tingin lang ako sa kanya.
Minsan nag-uusap kami nanghingi lang ng yellowpaper..

Matagal ko ng pinapangarap maging katextmate si Doraemon,
Diba ang sarap ng feeling makakaresib ka ng text message galing sa kras mo kahit "OK" lang reply niya atleast nakatext ko :P...
Pero asa pa ako di ko nga alam mobile number nun....goodluck namen...

Until one day.........
Nagriring ang aking 3210 na cp...
Ring
Ring....
From unknown ang number...
Agad agad kong sinagot

Me:Hello?
Man: Hello, C Cinderella ba ito?
Me: Opo, sino ho sila?
Man:Hello Si Doraemon to....
Me:Doraemon yung kras ko?(sorry namen nadulas dila ko hahaa..
Doraemon: Patawa ka talaga....San ka now?
Me: Seryoso ako adik ka lang, sa bahay bakit?
Doraemon:Pwede favor?
Me:(Ayos pagkakataon ko na to) Sure ano yun wag lang yung magsshow ako ha,,,lols
Doraemon: haha,,di ah..
Me: Sige ano yun?
Doraemon: Pwede pautang ng 100 pesos nashort pera ko eh bumili pa kasi ako ng roses para dun sa kras ko eh................


FAIL
Sabi ko na nga ba
May kailangan yung hinayupak n yun eh hhahaa.....

Pero dahil sa mabait at tanga ako
Siyempre pinahiram ko cya hahaha...




Wednesday, September 15, 2010

Fiction 902:Guapo nga.




Wow te ang guapo naman ng BF mo!!!!!!!!!!

Tama sila GUAPO nga siya.
Artistahin
Ang puti at ang kinis ng kutis

Matagal ko ng BF si Marky
Nagtataka nga ako di naman ako maganda pero bakit siya nagkagusto sakin.
Di rin ako matalino, madiskarte lang.
Di naman ako vain maarte lang minsan.
Mas vain pa nga siya sakin eh.
Minsan sinasabihan niya ako maglagay daw ako ng BB cream or magmask daw para naman kuminis ang aking feesss.
Ok pineapple juice sinunod ko sya para naman di ako magmukhang PA niya pag gumagala kami sa mall.

OC din si BF sus uber na..
Parang sira lang minsan.
Galit yun lalo na pag burara ako minsan.
UU na ikaw na ang organize!pak~
Nung bumisita ako sa bahay niya
Nashakala aketch sa uber linis ng bahay niya
Daig pa niya ako maglinis
Homaygawd with matching flowerpot dun oh sa window niya
Panalo ka!
Kaya nga pag alam ko bibisita siya eh 24 hours akong naglilinis ng bahay para naman di mapahiya aketch dba.
Success naman pero ayun di ko na cya maromansa makakulitan pag nasa bahay na siya dahil pagod na ang aking uber stress na body.
Ikaw ba naman maglinis ng 24 hours natutulog pa ba ako?pak!

Magaling din magluto si BF
kaya nga nainlove ako ng uber sa kanya
Magaling din siya magbake
Taob ang cooking at baking skills ko sa kanya tsk tsk
With matching performance level talaga ang drama niya lalo na sa presentation ng foods at goodies na ginawa niya..
Panalo n siya talga~~

Pero isa lang pinagtataka ko
Dahil besobeso ang type niya pag magssay bye kami at hello with each other imbis na kiss sa lips......


Sus!


Huli na ng malaman ko

Si BF ay isang

BEKI

uu
GWAPONG BEKI
Sayang ka BF di mo man lang ako natikman
este di mo man lang natikman ng bongga ang pagmamahal ko dahil mas type mo ang kapatid kong GUAPO pak!

P.S. Kaya pala nagtyaga siya sakin dahil gusto niya lang makita lagi ang aking poging kapatid...lols


Thursday, September 2, 2010

Monday, August 23, 2010

Oh Oh Oppa lols~

Ibang level na ang kaadikan ko now,,pakyset di naman ako kumain ng tsokolate o lumaklak ng kape pero parang gusto kong sumigaw ng DARNA! sa boredom today(I need valium lols) though nabusy ako saglit oh yeah i hate Korean letters nakakaduling hahha~~
Pero wala nakakapatay ang boredom today,,,i hate it~~~
Kung ano ano nlng pinag gagawa ko while working, nagplurk, nag twitter,at nagvideoke dun oh sa youtube lols~pero inay wa epek gusto kong matulog pero di pwede matatrack ni Madam P dahil makikita nya sa oras na inuupdate ko arrgghhh,,,,,
Ok fine nag sound trippin nlng ako~
Tapos bigla kong narinig ang kantang Oh!!ng Girls Generation (Uu na sila ang sexy at cute accdg to Poldo) lols~
Biglang boom gusto ko atang sumayaw ng Oh Oh Oppa lols~~
Ito ang pantapat ng SNSD sa Nobody ng Wondergirls hahaha,,
Pero infairness sa SNSD mas like ko ang Oh kahit diehard fan ako ng WG arrggghhh...

Ilang ulit ko rin pinakinggan ang Oh para di ako antukin at maaliw saglit,,
Promise gusto ko ng sumayaw ng OH OH Oppa bwahaha,,,boom...cge pakinggan nyo nlng ang kanilang kanta sabhn nyo ako kung napasayaw ka rin ah hahaa,,,
Hang kyut nila promise parang barbie doll na nabuhay hahaha...




ito pa pala isa hahaha...
GEE

Saturday, August 21, 2010

From my old blog: Para kay Heart

Dear Heart,
Howdy?lol
Salamat naman dahil tumitibok ka pa rin hanggang ngayon.
Salamat at nakakayanan mo pa rin ang mga kirot na nararamdaman ko.
Alam ko may mga pagkakataong gusto mo ng huminto sa pagtibok,subalit iniisip mo pa rin ako at di pa rin bumitiw.

Pasensya na:
*Sa mga pagkakataong muntik na kitang pahintuin sa pagtibok ang selfish ko no di man lang kita inisip na gusto mo pa palang tumibok na bonggang bongga lalong lalo na pag nakikita ko yung crush ko na si GONG YOO lol..Ako lang itong gaga na nagbabalak dati na pahintuin kang tumibok.
*SA mga pagkakataong pinipigilan ko ang nararamdaman ko tapos ikaw yung nahihirapan at parang gusto mo ng sumabog.
*Sa mga pagkakataong inaabuso kita, di pinapahinga ng maayos lalo na sa mga moments na nalulungkot ako at nageemo emohan hehehe..

Pero salamat din HEART sa pagbilis ng tibok mo sa tuwing ako’y umiibig,masaya, natatakot at kinikilig hahaha…

SANA Huwag kang magsawa sa pagtibok hanggat may dugo pang dumadaloy sa katawan ko ha.
Salamat sa 28 years na pagtibok mo ni isang segundo di ka huminto sa pagtibok lol…

I LOVE YOU HEART ayeeiii…..

P.S Bakit di kayo magkasundo ni BRAIN???KAHIT MAN LANG SAGLIT PLEASE PASAYAHIN NIYO NAMAN AKO NG BONGGANG BONGGA yung walang CONTRADICTION please..nyahaha…

Nagmamahal,
Ang may-ari ng PUSO MO…


Thursday, August 19, 2010

Letter to my FUTURE beeEf



Dear Pyutyur BF,
Alam kong anjan ka lang sa tabi-tabi. Paramdam naman wag lang puro tingin at titig sakin..:P
Na wari'y pinagnanasahan mo nanaman ako (feelingera) lols~
Anyways dirty hway, di importante sakin ang looks ok na yung kamukha mo si Papa P. nyahaha basta cguraduhn mo lang di ka pa mas maarte sakin ha nyahha...:P
Ayaw ko din sa mga malalandi paksyett umayos ka pag nahuli kong lumalandi ka sa iba i will hate you for life :=)~~

Siya nga pala sana ang first date natin dun tau sa theme park ha tapos bibilhan moko ng colorful balloons at yung mickeymouse na headband (paksyet so childish) tapos kakain ng icecream at cotton candy at popcorn nyahahah..,,ayaw ko sa mga fancy resto and romantic date eklavush sus kaekekan lang yan eh parang di ko feel hahaha,,gusto ko yung sasakay tau sa rollercoaster ai mali kaw lang pala tapos pipicturan nalang kita ha..OK?baka kasi atakihin ako sa nerbyos eh sige ka mabbyudo ka agad pagnangyari yun lols~~

Nga pala minsan mushy ako pero slight lang, alam kong ayaw niyong magsuot ng couple tshirt, couple watch nalang choks na skin..

Pyutyur BF sana intindihin mo ang aking complex personality ha,,sus adik adikan ako,baliw baliwan at minsan melancholic,,uu na ako na ang baliw, pero kahit ganito ako am sure mamahalin moko bwahahaha,,(ambisyosa)

Ayaw ko sa mga possessive kaya wag kang masyadong ganun ha baka masakal ako sorry ka goodbye lang masasabi ko sau.

Huwag na huwag mo akong bibigyan ng flowers or stufftoy kung di man lang yan si mickeymouse dahil di ko type yan hahaa,,
Mas gusto ko pang balloons, books or pirated korean dvd bwahaha...
At ang pinakahate ko dear eh wag na wag mo akong isusurprise pootragess mag wworldwar 3 or kudeta pag nangyari yan..
Tandaan mo rerestback ako dahil sa surpresa mo lols~
Mas masusurprise ka sa surprise ko nyahaha...:P

Hmmm,,,ok sana sweet ka ha pero wag OA ang sweetness nakakaumay lols~
Minsan dapat badboy ka din yung tipong magsusuntukan tau or lalaban ka sakin pag binabaon na kita ng buhay sa tuwing mag-aaway tau.

Nga pala minsan lang ako magselos ai wait minsa ba?Pero di ako selosa eh siguro pagnagselos man ako tatahimik nalang ako yung tipong dead air ng 3days~3months haha..goodluck namen..

Ai ito pa pala sa 1st monthsary natin date tau sa beach ha tapos sabay nating panonoorin ang sunset(paksyet ang korni) lols~pero gustong gusto ko kasing pinagmamasdan ang sunset eh relaxing~.

Ito pa sana intindihin mo ang aking kaadikan sa Korean ha, sus hirap kaya bitawan ang kaadikan ko halos 8 years na kasi akong adik sa Korean eh,kahit nga si mader dear di na ako mapigilan narehab na ako dati para tumigil pero sorry FAIL! kaya intindihin mo nalang ha..
Di ko rin naman papakialam ang trip mo kahit porn pa yan lols~

Naku ang haba na nito dear...
Hanggang dito nalang baka bumack out ka pa na maging BF ko kawawa naman ako haha..

Basta wag mong kalimutan maligo araw araw at magpabango yung mild lang ha OK?
Para naman pag hahalikan kita ang bango bango mo

Mwahugsss~~ :)




Ang pathetic na naghahanap ng BF,
Angelina♥


Sunday, August 15, 2010

Fiction2.1: Stalking each other


Dear Dora,
Una sa lahat salamat,salamat dahil natunton mo ang lungga ko. Alam mo ba laking gulat ko dahil bigla ka nalang nagpakita doon sa harap ng bahay ko.

Isa kang dakilang stalker!

Pero ok lang basta huwag mo akong pagnasahan ha dahil di ako magdadalawang isip na patulan ang kalandian mo.:P

Anyway, bilib ako sa iyong stalking powers, dati minamasdan masdan lang kita pero akalain mo yun may pagnanasa ka din pala sa akin?
Nashock naman bigla ang kaguapuhan ko sa kagandahan mo.
Kras na kita. Sana kras mo din ako ha?

Kasi una, ang sarap mo , sarap mong kausap..kala mo kung anong sarap yan ano.

Ikaw ha huwag maduming isip OK?

Pangalawa ang lakas ng guts mo tuntunin ako, ganun na ba ako kasikat dahil nakakuha ka ng mga impormasyon sa aking pagkatao.
Idol na kita dahil diyan.
Kung ako lang di ko kaya yang power mo na tuntunin ako kasi nakakahiya eh sabihin na nating guapo ako pero nahihiya pa din ang aking kaluluwa na hingin sa iyo ang address mo.


Salamat talaga Dora ha, alam mo ba ang saya saya ko nun, di ko maexplain ang aking nararamdaman nun masaya, na may shock at parang di makapaniwala sa mga nangyari.
Akalain mo yun stalker mo ako tapos ikaw stalker ko din pala ang saya saya diba?***APIR***


Ewan ko ba nung una pa nating convo ang gaan gaan ng loob ko sa iyo. Ilang kilo ka ba?joke.
Pero seriously lahat ng mga sinabi ko totoo yun sana maniwala ka pero mukhang malabo eh ayaw ko din mag assume. Pero sana huwag kang manhid dahil kras kita Ok?


Sana lang ikaw na ikaw na ang babaeng mamahalin ko.. naks sensya ha kumekeso ako..Di ba bagay sakin? Pagbigyan mo na ako ngayon lang to. Pwede pakiss mwahhh....at hug natin..mwahugss..

Nga pala sana wag ka ng magstalk ng iba ha ako nalang para happy taung dalawa.=)*HIGH FIVE ulit

Hanggang dito na muna Dora ha..
Susulatan nalang kita next time. Mejo may hang over pa utak ko eh. You know weekend.
Namiss ko kaingayan mo.

Talk to you soon. Siya nga pala tatawag nalang ako sa cellphone mo ha.

Ikaw na ang COOL STALKER ko DORA. Love you.

-ASTROBOY-

Thursday, August 12, 2010

Payo lang naman!!!!


Dear GF ni EX....
Ang swerte mo naman ang pogi ng BF mo ngaun..:P
Pero mas maswerte ako dahil ako ang unang babaeng nakahalik sa kanya haha:P
Anyways express h-way, sana lang mahalin mo siya ha gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ai mali sabi niya wala na daw makakapantay sa love ko sa kanya eh kaya sorry ka..
Bibigyan nalang kita ng konting tips para mejo tumagal naman relasyon nyo..Papainom ako sa barangay namin kung nabreak mo record namin na umabot ng isang dekada haha~
Ok diretso na ako ha, basahin mo ito ng bonggang bongga at itanim mo sa utak mo ha..OK?
-Ayaw ni Ex ang maarte, kaya wag kang engot ha..dapat pag sinabi nyang tatalon kau sa bangin talon ka ha wala ng tanong tanong..jokes lng,,
-Ayaw niyang naghihintay ng matagal tuwing may date kayo kaya kung mabgal kang kumilos tulad ko at may lunch date kau dapat madaling araw pa lang prepare ka na dahil tiyak gyera ang north and south Korea nyan..
-Sweet si ex kaya dapat sweet ka din dahil pag bitter ka sa kanya papakainin ka nya ng maraming ampalaya pa at bubudburan ng maraming asin lols~
-Huwag kang tamad ha ayaw niya yun.
-Maligo ka lagi at magpabango. Hindi ko sasabhn ang fave scent nya na gustong amuyin bahala ka na magresearch dun lols~
-Ayaw niya tatanga tanga dapat madiskarte ka...tandaan BAWAL ANG TANGA SA KANYA...
-Huwag kang magdamit ng sexy clothes ha,,dapat kunwari conservative ka kunwari lang ha..kung matalino ka alam mo na ibig kong sabihin :P.
-Fave niya palang kumain ng halu halo sa chowking kaya pag sweldo mo libre mo cya ha. samahn mo na ng siomai..
-Kung kaya mong magpuyat na kausap cya gawin mo ha dahil maappreciate nya yun.
-Nga pala wag ka masyadong malandi ha seloso si ex eh..haha
-Fave nya macaroni salad kesa sa spaghetti kaya dapat magaling kang gumawa nun ha.
-Ayaw niya ng matatamis gusto niya spicy hot..because he's hot lol~
-Wag kang bilmoko girl ha di mayaman si ex may pera lang haha..
-dapat cool ka lang magmahal ayaw niya masyadong mushy..you know naman mga lalake.
-dapat din para kang girlscout laging handa..laging handa san man kau mapunta gaya ng magdala ng jacket baka mapadpad kau sa lugar na malamig at....bwahaha alam mo na yun adik ka kung di mo alam yun:P..(sinehan yun adik ka) ai mali basta hehe...
-Nga pala hate niya magsuot ng couple shirt kaya wag kang mangarap na magsusuot nun with ex ha..
-Pag nag-aaway kau chill ka lang hayaan mo siya hanggang magbreak kau jokes lng,,haha..pero kung kasalanan mo magsorry ka ha di porket babae ka kaw laging susuyuin..
-Igreet mo siya sa bday nya ha at don't forget ang gift.Ok na sa kanya ang Cp or ipod lols~di naman cya ganun kaarte eh hahaa..

Hanggang dito nalang ha..
Gaya nga ng sinabi ko dapat madiskarte ka kaya diskartehan mo na kung ano pa likes and dislikes nya OK?

Goodluck sa iyo~


Ang mas maganda pa sa iyo,
Cinderella:P

Thursday, August 5, 2010

SIYA at IKAW (Kamalayang Malaya:Pag-Ibig edition)

Naaalala ko pa ang araw ng tayo'y masayang nagsasama. Ang araw kung kailan wari'y pinag-isa ang ating puso. Ang araw kung kailan sabay tayong nangako sa isa't isa na habang buhay tayong magsasama. Ang araw kung kailan sabay tayong nangarap para sa ating kinabukasan.

Ngunit dumating ang araw na hindi inaasahan. Hindi ko namalayan lumamig na ang iyong pag-ibig at tuluyang mo na akong iniwan.
Paano na ang ating pangako sa isa't isa? Ito'y biglang naglaho na parang bula sa kawalan.
Paano na ang ating mga pangarap? Lahat gumuho na pawang kastilyong buhangin sa dalampasigan.



Halos nawalan ako ng pag-asa sa buhay ng mga panahong iyon, nalugmok sa kalungkutan ang sugatan kong puso, hirap tumayo sa matinding pagkarapa. Gabi-gabi umiiyak ako tinatanong ang aking sarili kung saan ako nagkulang o nagkamali.
Pagsisisi sa sarili ang tanging nangingibabaw sa akin.

Subalit dumating ang araw na muli kong nakita ang liwanag sa aking madilim na mundong kinagagalawan.
Muling nakabangon sa matinding pagkarapa.
Muling bumalik ang matamis na ngiti sa aking mga labi.
Iyon ang araw kung kailan ko nakilala ang lalakeng aking minamahal ngayon.
Ang lalakeng nagbigay lakas sa aking mahinang kalooban. Ang lalakeng tinaggap ang aking kahinaan at kamalian. Ang lalakeng kung saan nakaramdam ako ng kasiguruhan sa buhay at wagas na pagmamahal.

Nang dahil sa kanya ako'y nangarap muli at nagkaron ng pag-asa.
Nang dahil sa kanya muli kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso tuwing sumasagi siya sa aking isipan.
Nang dahil sa kanya ang isang masamang panahon ay wari'y isang magandang umaga pagkatapos ng unos na dumaan sa ating buhay.
Nang dahil sa kanya ang sugatan kong puso ay biglang naghilom dahil sa sayang idinulot niya sa aking buhay.



Ang hiling ko lang sa Maykapal na sana siya na ang lalakeng makakasama ko habang buhay.
Sana siya na ang lalakeng kasabay kong bumuo sa mga naguhong pangarap.
Sana siya na rin ang lalakeng hindi ako iiwan kahit ano man ang mangyari.
Sana siya na ang lalakeng huling makakasaksi sa huling pagpikit ng aking mga mata at aking makakasama hanggang sa aking huling hininga.

Kaya para sa unang lalakeng aking minahal:
Una sa lahat, "Salamat" sa iyo. Tanggap ko na ang mga nangyari. Tanggap ko na na hindi mo na ako mahal at ika'y lumisan.
Salamat dahil sa iyong paglisan ay nakilala ko naman ang lalakeng tunay na nagmamahal sa akin ngayon. Saan ka man naroroon hanggad ko ang iyong tunay na kaligayan. Hindi mo man natupad ang iyong ipinangako sa akin mayroon naman taong tutupad nito ngayon at nagmamahal sa akin ng higit sa aking inaasahan.

Nawala man ang unang lalake sa aking buhay na minahal ko ng mahabang panahon ay binigyan naman ako ng MAY KAPAL na higit pa sa aking hinihiling at ako'y minamahal ng wagas na walang hinihiling na kapalit.

===================================
P.s. Ito po ay aking entry sa pasiklaban ni G.JKULISAP. At gaya ng nakaraang pasiklaban niya dumugo ulit ang utak ko ng bonggang bongga lols~~
Pwedeng mahiya ng bonggang bongga ang adik ng poste ko shakssss(covering my fugly face lols)

Tuesday, July 6, 2010

Kuya 101: Ikakasal na?

Big bro and little sis Pictures, Images and Photos
Nagring cellphone ko kaninang 6am...
Pootragezzz....Sino nanaman ang tumatawag ke aga-aga..At holiday pa...
Kahit pikit ang aking mga mata pilit kong inabot ang cellphone ko at sinagot to.
"Hello"
"Andie"
"Kuya?"
"UU"
Pambihira tumawag pa si Kuya eh pwede naman akong gisingin at gumasto pa talaga ng load para lng gisingin ako.....
"Gising na dali, nagprepare ako ng fave mong bacon, sunny side up na egg at mainit na pandesal"
"Kuya, ang aga pa po..at teka ano nanaman nakain mo at kaw nagprepare ng almusal?"
"Dali na wag ng madaming tanong"
"Ok,Ok...."

End call mode...

Kahit inaantok pa ang beauty ko eh dali dali akong bumangon..Syempre, may bacon,sunny side up at hot pandesal...

Pag labas ko ng kuarto, nakangiting mukha agad ni Kuya ang bumugad sakin...
Haysss...di ko alam ang drama ni Kuya bat naisipan niyang magprepare ng fave kong almusal...

After kong maghilamos at mag mumog eh feeling prinsesa ako dahil si kuya na ang nagserve sakin..
Naks, nakakatats talaga si Kuya...
I love you Kuya ayeeiii...

"Kuya, ano drama?bat meron ganito..."
"Wala lang, namiss ko lang magprepare ng fave breakfast mo"

Ok fine, kumain na ako...

At biglang.. tumunog ang doorbell...

"May inaasahan kang darating Kuya?"
Ngumiti lang siya at tsinek kung sino ang nagdoorbell....

Ayun si Ate Marla, ang gf ni Kuya
Ang gf niyang pinagseselosan ko ng ilang taon
Ang gf niyang kahati ko sa puso ni Kuya.:(

Umupo si Ate Marla katabi ni Kuya...
Habang ako patay malisya lang lols~sama ko noh...

"Andie"
"Oh?"
"May sasabihin sana ako sa iyo eh"
Oh ha biglang kinabahan ang aking heart,,Kasi naman baka mawindang nanaman ako sa sasabihin ni Kuya at andun pa si Ate Marla,,Malamang good news yun para sa kanila at bad news naman para sakin...

"Ano po iyon?"

Dead Air...tinitigan lang ako ni Kuya.....

"Ano?"Habang sinusubo ko ang pandesal....

"Balak na sana namin magpakasal ni Ate Marla mo"
At parang bumara lang naman ang pandesal habang nilulunok ko.......
"Seryoso?"Pabiro kong tanong...
"uu, tumatanda na ako Andie, gusto ko na sanang mag settle down. total mukhang stable ka na sa work mo ngaun. Siguro naman time ko na maging happy ngaun"
Bakit kuya di ka ba happy kasama ako???
Paano na ako?Tanong ko sa isip ko....

And there was silence.............

Naspeechless lang ako at walk out mode..
Pumasok ako ng room ko umiiyak....
Di ko alam nararamdaman ko..Pero parang sinasaksak puso ko sa narinig kong balita...

Alam na ni kuya na nagtatampo ako,,
Uu,selfish na ako pero ayaw kong mawala si Kuya ngaun eh...
Siya na ang naging kasama ko simula nung nawala sina mama at papa..
Siya na ang naging sandalan ko...
Sa kanya ako dumepende sa lahat ng ginagawa ko
Tapos ngaun mawawala na siya....

Oo gusto kong maging happy si Kuya pero wag naman sana biglaan,,Kay Ate Marla pa...don't get me wrong pero I don't like her..Masyado cyang maarte,selosa at di kami gaanong close lols~...

Haysss,,sana nanaginip lang ako dahil kung ito'y totoo malulungkot nanaman ako..

Pero di pa rin humihinto ang pagpatak ng aking mga luha...
Para pa ding sinasaksak ang puso ko habang naalala ko yung sinabi ni Kuya kanina na magpapaksal na siya...haysss...

Kuya kung alam mo lang paano ako nasasaktan ngaun sa desisyon mo..........


P.s..Tuyo utak ko ngaun kaya pagpasensyahan niyo ang poste kong ito...
Next post na ang sulat ko para kay Kuya di na kaya ng powers kong mag-isip ng bonggang bongga lols~~

Sunday, June 20, 2010

Kamalayang Malaya:Hustisya

Kelan ba natin mararanasan na maging malaya kung mismong mga tao sa ating paligid eh nakakulong sa sariling paniniwala.
Kung ang tama ay ginagawang mali at ang mali ay hindi na inaalintana...

justice Pictures, Images and Photos
Sa aking musmos na kaisipan nasaksihan ko, kung paano ang aking ama na naghirap at napatawan ng maling parusa....

Natatandaan ko pa ang araw na iyon, ang araw kung saan ang aking ina ay halos mamatay sa kawalan ng pag-asa dahil ang aking ama ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sa salang hindi man lang niya nagawa.
Wala kaming magawa, wala kaming malapitan at mahingian ng tulong para mapatunayan na walang sala si Itay.

Mayaman ang nagparatang sa aking ama ano pa laban namin, sapagkat kami ay isang dukha lamang. Isang kahig isang tuka na nga lang kami maghahanap pa ng magaling na abogado para lang maipagtanggol si Itay. Ang tangi lang laban namin ay ang malinis na konsensya ni Itay.

Napatanong ako sa aking Inay habang nakikita ko ang aking Itay na papalayo samin at dadalhin na sa bilangguan ng mga tao, "Inay, mayayaman lang po ba ang may karapatan na makakamit ng tunay na hustisya?"
Bakit ang mga mahihirap kahit walang kasalanan eh madali lang ipakulong samantalang ang mga mayayaman kahit alam na at hayag na ang kasalanan eh hindi basta basta nakukulong.
Kung makulong man eh parang hindi pa rin nila nararamdam ang hirap o ang parusang pinataw.

Madalas namin dinadalaw si Itay sa kulungan at ramdam kong nahihirapan siya dahil binabayaran niya ang kasalanang hindi niya nagawa.

Lagi nalang akong umiiyak kapag pinipikit ko na ang aking mga mata at nakikita ko ang mukha ng aking ama.
Dati ang saya saya pa naming nagsasama kahit mahirap lang kami eh malaya kong nayayakap si Itay, nahahalikan at nakikitang ngumiti. Ngayon pahirapan pa, kailangan pa magtrabaho ni Inay para lang mabuhay kami at makaipon ng pamasahe para lang masilayan ang aking Ama.

Sa aking pagtanda pinagkait ang mga pagkakataong na makasama ko si Itay sa aking pagdadalaga, pinagkait ang pagkakataong maihatid ako ni Itay sa altar sa araw ng aking kasal, makita at mayakap niya ang kanyang unang apo, at mayakap sana ang aking inay sa huling pagpikit ng mga mata nito.

Sa ngayon kahit hindi nakamit ni Itay ang tunay na kalayaan sa mundong ito nagpapasalamat pa din ako dahil sa kanyang huling hininga eh iyon ang umpisa ng kanyang tunay na kalayaan na ni minsan hindi niya nakamit sa mundong ating kinabibilangan.

Masasabi kong lahat ng paghihirap ay may katapusan.
Huwag lang mawalan ng pag-asa at isarado ang isipan..



"Ang pagpaparaya ay hindi sapat kung hindi mo sinubukang lumaban"


P.s...Ang post na ito ay ang aking entry para sa pasiklaban ni Ginoong JKULISAP...
Salamat sa aking minamahal na ter na si KAYEDEE dahil sa inyong pag-anyaya at na pa OO mo ako eh natuyo ang aking utak dahil naubos ang aking dugo lol~~

P.s.s.HindI po ako magaling sumulat kaya pagpasensyahan niyo na po ito..Salamat sa inyong pag-unawa