Sunday, June 20, 2010

Kamalayang Malaya:Hustisya

Kelan ba natin mararanasan na maging malaya kung mismong mga tao sa ating paligid eh nakakulong sa sariling paniniwala.
Kung ang tama ay ginagawang mali at ang mali ay hindi na inaalintana...

justice Pictures, Images and Photos
Sa aking musmos na kaisipan nasaksihan ko, kung paano ang aking ama na naghirap at napatawan ng maling parusa....

Natatandaan ko pa ang araw na iyon, ang araw kung saan ang aking ina ay halos mamatay sa kawalan ng pag-asa dahil ang aking ama ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sa salang hindi man lang niya nagawa.
Wala kaming magawa, wala kaming malapitan at mahingian ng tulong para mapatunayan na walang sala si Itay.

Mayaman ang nagparatang sa aking ama ano pa laban namin, sapagkat kami ay isang dukha lamang. Isang kahig isang tuka na nga lang kami maghahanap pa ng magaling na abogado para lang maipagtanggol si Itay. Ang tangi lang laban namin ay ang malinis na konsensya ni Itay.

Napatanong ako sa aking Inay habang nakikita ko ang aking Itay na papalayo samin at dadalhin na sa bilangguan ng mga tao, "Inay, mayayaman lang po ba ang may karapatan na makakamit ng tunay na hustisya?"
Bakit ang mga mahihirap kahit walang kasalanan eh madali lang ipakulong samantalang ang mga mayayaman kahit alam na at hayag na ang kasalanan eh hindi basta basta nakukulong.
Kung makulong man eh parang hindi pa rin nila nararamdam ang hirap o ang parusang pinataw.

Madalas namin dinadalaw si Itay sa kulungan at ramdam kong nahihirapan siya dahil binabayaran niya ang kasalanang hindi niya nagawa.

Lagi nalang akong umiiyak kapag pinipikit ko na ang aking mga mata at nakikita ko ang mukha ng aking ama.
Dati ang saya saya pa naming nagsasama kahit mahirap lang kami eh malaya kong nayayakap si Itay, nahahalikan at nakikitang ngumiti. Ngayon pahirapan pa, kailangan pa magtrabaho ni Inay para lang mabuhay kami at makaipon ng pamasahe para lang masilayan ang aking Ama.

Sa aking pagtanda pinagkait ang mga pagkakataong na makasama ko si Itay sa aking pagdadalaga, pinagkait ang pagkakataong maihatid ako ni Itay sa altar sa araw ng aking kasal, makita at mayakap niya ang kanyang unang apo, at mayakap sana ang aking inay sa huling pagpikit ng mga mata nito.

Sa ngayon kahit hindi nakamit ni Itay ang tunay na kalayaan sa mundong ito nagpapasalamat pa din ako dahil sa kanyang huling hininga eh iyon ang umpisa ng kanyang tunay na kalayaan na ni minsan hindi niya nakamit sa mundong ating kinabibilangan.

Masasabi kong lahat ng paghihirap ay may katapusan.
Huwag lang mawalan ng pag-asa at isarado ang isipan..



"Ang pagpaparaya ay hindi sapat kung hindi mo sinubukang lumaban"


P.s...Ang post na ito ay ang aking entry para sa pasiklaban ni Ginoong JKULISAP...
Salamat sa aking minamahal na ter na si KAYEDEE dahil sa inyong pag-anyaya at na pa OO mo ako eh natuyo ang aking utak dahil naubos ang aking dugo lol~~

P.s.s.HindI po ako magaling sumulat kaya pagpasensyahan niyo na po ito..Salamat sa inyong pag-unawa

24 comments:

kayedee said...

base! waaaaa

kayedee said...

ter kakasad nman tong post mo!.
pero tama ang cnb mo "Ang pagpaparaya ay hindi sapat kung hindi mo sinubukang lumaban" lufetttt!

ganda ter ^_*

Unni-gl4ze^_^ said...

ter wag masyadong dibdibin ang post ha alam mo naman malikot lng isip ko now hahah...
salamt sa iyo ter kung di dahil sau di ko nagawa ko tong post na to kahit nadugo na utak ko haha...mwahhh

rah said...

Nice post! Mahirap man tangapin, ang hustisya ay pabor sa may pera, LOGISTICALLY speaking. Yon ang nakakalungkot na katotohanan.

J. Kulisap said...

Maraming salamat Unni. Nakakahiyang aminin pero dapat mas nauna akong dumalaw dito. O nakadalaw ako?
Salamat po. Ikinalulugod ko po ito

Unni-gl4ze^_^ said...

@rah:salamat
yun nga eh bakit yung may pera dali nla makamit ang hustisya samantalang ang mahihirap na nangangailangn ng tulong pati hustisya pinagkait pa...
@J.Kulisap:walang anuman po,,,
ok lng po iyon nakadalaw na po kau^^
salamat din po sa pagtanggap saking munting entry^^

Little Princess♥~♥ said...

sad:-( very well said moi~

Pong said...

Puno ng puso ang post mong ito.

Napadaan lang po!

Great Piece!

Unni-gl4ze^_^ said...

@mimi:yeah sad nga pero maraming tao ang nakakaranas ng ganitong situasyon T_T
@Pong:salamat po sa pagdaan at pagbasa^^

Sasarai said...

Boing! HAHAHAHA! Nakakaloka ang poste mo, sa bagay, ako din, baliw! :PP

Anyways, ganun talaga pag MAY PERA. Eh wala akong pera, so powerless ako pagdating dyan NGUNIT SUBALIT DATAPWAT mas makapangyarihan pa rin ang Diyos kaysa sa PERA, dahil for sure sa Heaven, infinite ang pera! OR should I say, wala nang pera-pera dun! :))

LOL! ^^

kikilabotz said...

happy fathers day sa tatay mo unnie..

medyo malungkot ang kwnto at entry mo ate unnie..

wala man hustisya sa pilipinas may hustisya naman sa mata ng Diyos. ^_^

Janine said...

TWO THUMBS UP! with standing obeysyon!! waaaah!! wala na po akong ibang masabi kundi, very very very awesome nice entry!promise! pwera biro. parang totoong totoo, ramdam ko yung feeling...

"...lahat ng paghihirap ay may katapusan. huwag lang mawalan ng pag-asa at isarado ang isipan."

Benh said...

:) A big smile for you. Nice art.

Unni-gl4ze^_^ said...

@Julieta:uu buing ka gaya ng post ko hahha..adik k noh epkto ba yan ng eraser na binili mo kahapon ha hehe...
pero tama ka makapangyarihan ang Dios kesa sa pera ng tao ^_^
@marvz:lungkot ba??hmm yan kasi ang katotohanan dito sa pinas eh kung mahirap hirap makamit ang tamang hustisya..kaya bahala na ang Dios dun sa mga taong indi man lng nila nakamit ang tunay na justice sa mundong ito~
@batanggala:ayeiii kaya kita love eh hehehehe,,,,salamat naman nagustuhan mo ang aking entry hehehe...masyadong madamdamin noh pati ako nga pag binabasa ko nadadala ako sa story hahaa,,adik mode lang,,thanks lil sis^^

Unni-gl4ze^_^ said...

@benh:salamat naman hehehe^^

J. Kulisap said...

Kamusta Unni. Kasalukuyang pinapasadahan na ng mga inampalan ang iyong akda.
Muli maraming salamat sa pakikilahok.

Hi to all your followers.

Unni-gl4ze^_^ said...

OK lng po ako Mr.J Kulisap~~
Kau po ba?
naks dami ngang naantig saking sinulat eh salamat po sa inyong pasiklaban at nagawa ko itong post na to^^

Chevy said...

Aaminin ko, kinurot ang puso ko nung nabasa ko ang poste mo. Pero ang talagang nais ko ay ihatid sa'yo ang aking pag-hanga. Una sa katatagan, pangalawa sa katapangan sa pagharap sa hamon ng Buhay. Kung nasan man si Erpats at si Ermats ngayon. Alam kong ikararangal ka nila bilang kanilang anak!

Happy Father's Day ke Erpats!

Ingat and Be blessed!

duking said...

magandang araw.

nakiraan lang.nakibasa na rin po.

nakakatuwa na hindi ka nawalan ng pag asa sa kabila ng malungkot na kapalaran.simula sana ngayon,puro naman kapayapaan at kaligayahan ang maging hatid sayo ng buhay kasama ng mga mahal mo sa buhay.

magandang araw.

Unni-gl4ze^_^ said...

@duking: salamat po sa pagdaan at pagbasa ng aking entry~~~~

gandang araw po^_^

P.s:wag po xado padala sa post ko ha ^_~

etchosera said...

ang ganda ng pag tanggap mo sa nagyari sa tatay mo. di kayo nawalan ng pag-asa.

tama ka mahirap makulong sa mundong ating ginagalawan pero may lugar at panahon naman para tau ay maging malaya.

Sows said...

naiiyak ako sa mga ganitong tema. RIP kina mom at pads ah. pero hnd ang mga kinontribute nila sau..sa amin s pmmgitan ng post mong ito.
ngbasa.
naiyak.
dumaan.
mgandang araw! :p

J. Kulisap said...

Ito po ay Entry number 28. Salamat po

JETTRO said...

galing mo nga magsulat may damdamin may buhay mahusay ang flow ng mga salita sad

napadaan lang xlink tayo ha