Ngunit dumating ang araw na hindi inaasahan. Hindi ko namalayan lumamig na ang iyong pag-ibig at tuluyang mo na akong iniwan.
Paano na ang ating pangako sa isa't isa? Ito'y biglang naglaho na parang bula sa kawalan.
Paano na ang ating mga pangarap? Lahat gumuho na pawang kastilyong buhangin sa dalampasigan.

Halos nawalan ako ng pag-asa sa buhay ng mga panahong iyon, nalugmok sa kalungkutan ang sugatan kong puso, hirap tumayo sa matinding pagkarapa. Gabi-gabi umiiyak ako tinatanong ang aking sarili kung saan ako nagkulang o nagkamali.
Pagsisisi sa sarili ang tanging nangingibabaw sa akin.
Subalit dumating ang araw na muli kong nakita ang liwanag sa aking madilim na mundong kinagagalawan.
Muling nakabangon sa matinding pagkarapa.
Muling bumalik ang matamis na ngiti sa aking mga labi.
Iyon ang araw kung kailan ko nakilala ang lalakeng aking minamahal ngayon.
Ang lalakeng nagbigay lakas sa aking mahinang kalooban. Ang lalakeng tinaggap ang aking kahinaan at kamalian. Ang lalakeng kung saan nakaramdam ako ng kasiguruhan sa buhay at wagas na pagmamahal.
Nang dahil sa kanya ako'y nangarap muli at nagkaron ng pag-asa.
Nang dahil sa kanya muli kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso tuwing sumasagi siya sa aking isipan.
Nang dahil sa kanya ang isang masamang panahon ay wari'y isang magandang umaga pagkatapos ng unos na dumaan sa ating buhay.
Nang dahil sa kanya ang sugatan kong puso ay biglang naghilom dahil sa sayang idinulot niya sa aking buhay.

Ang hiling ko lang sa Maykapal na sana siya na ang lalakeng makakasama ko habang buhay.
Sana siya na ang lalakeng kasabay kong bumuo sa mga naguhong pangarap.
Sana siya na rin ang lalakeng hindi ako iiwan kahit ano man ang mangyari.
Sana siya na ang lalakeng huling makakasaksi sa huling pagpikit ng aking mga mata at aking makakasama hanggang sa aking huling hininga.
Kaya para sa unang lalakeng aking minahal:
Una sa lahat, "Salamat" sa iyo. Tanggap ko na ang mga nangyari. Tanggap ko na na hindi mo na ako mahal at ika'y lumisan.
Salamat dahil sa iyong paglisan ay nakilala ko naman ang lalakeng tunay na nagmamahal sa akin ngayon. Saan ka man naroroon hanggad ko ang iyong tunay na kaligayan. Hindi mo man natupad ang iyong ipinangako sa akin mayroon naman taong tutupad nito ngayon at nagmamahal sa akin ng higit sa aking inaasahan.
Nawala man ang unang lalake sa aking buhay na minahal ko ng mahabang panahon ay binigyan naman ako ng MAY KAPAL na higit pa sa aking hinihiling at ako'y minamahal ng wagas na walang hinihiling na kapalit.
===================================
P.s. Ito po ay aking entry sa pasiklaban ni G.JKULISAP. At gaya ng nakaraang pasiklaban niya dumugo ulit ang utak ko ng bonggang bongga lols~~
Pwedeng mahiya ng bonggang bongga ang adik ng poste ko shakssss(covering my fugly face lols)
38 comments:
base!galing ter!
halabshu ter!! mwahugz!
HUWWWAAAWWWW!!! Nice.. ang galing.. akal ko tula. saludo ko! pugay ta. :-)
Based from unni's true story? Hayuf. Kung ako yan, mejo bitter ako. Hehehe.
yunnie..waaaaaaaahh.. mukhang dapat hnd na ako sumali..huhu..ang gaganda ng mga entry nyo. haha
Naghilom na ang sugat mula sa itinarak ng dating kasuyo pero sa kaniya ka natutong magmahal kaya ka nagmamahal na muli.
Tanging pag-ibig din ang sagot sa nasira at sabi mo'y kastilyong buhangin na hinampas ng alon sa dalampasigan lamang.
Unni, kongrats and I love you
di ko alam kung malulungkot o matotouch o ewan...
basta gusto ko toh..
stay in love Unni!
\m/BlogEnRoll
napaka passionate naman.. thanks for dropping by!
wow sis, may entry kana pala.. good luck!
wow sis, may entry kana pala.. good luck!
Unni! Galing-galing ah! hehe! nice entry! gudlak po satin! :)
ayuz... clap clap clap... hindi mo ko nafacamot...ako ay iyong nafahanga...hehehe... :D
Hi Unni. Katulad ng kontes ni J.Kulisap, dumugo ang ilong ko sa entry mo hehe. Pero ayos lang, maganda ang pagkakasulat. Sana hindi ka na lang sumali dahil olats na naman kami. LOL!
@ter: dahil base ka isang mainit na hug at malagkit na kis hahahaha...halabshu ter mas like ko poste mo hehehe
@jake: hahahaha dumugo utak ko nyan heheheh salamat ng maraming jake...
kuhracha: di ko alam kung true story ba yan or denial lng ako dahil ang pangit ng entry ko hahahaha....tapos na ako sa bitterness level dear dahil alam kong wala na talaga eh di na maibabalik pa hhehehe...
@kikilabotz: oks lang yan buti nga sumali ka para naman naaliw mga readers sa entry mong nakakatawa pero enferness ang bata mo pang nagkaperslab ah hahhaa...
@JKulisap:Ang pag-ibig po na unti unting sumisibol ulit sa heart ko na akala ko dati'y di na ako iibig pang muli dahil sa nangyari..shaks salamat po sa pakontest nyo na nagpadugo ng aking utak pero sumaya naman ang aking puso~~
Thanks po at Halabshu din po ng more pag napaakin ang relo hehehe....
@Poldo:ok lng yan mix emotions ba?hehehehe
salamat at like mo ako este ang post ko hahahhaa....
emo ba or cheesy poste ko now?hehehehe...
BlogenRoll to the nth level~~~
@tim:salamt din po sa pagvisit at pagbasa ng entry ko~~
@sislen:wahhh uu sis hehehe,,salamat~
@benh: salamat at ang ganda din ng entry mo~~goodluck sa atin ng bonggang bongga hehe
@nafacamot: heheheh,,salamat naman po at di ka nafacamot saking kakalokang poste hehehe
@salbehe:una sa lahat salamat sa pagdaan mo saking blog,,ako ay iyong silent stalker ikaw na ang babaeng version ni bob ong na idol ko din hehe...
napasali ako dahil naattract ako saglit sa relo pero mali ata ang desisyon ko dahil malabo na mananalo ako pero kahit ganun pa man atleast napalabas ko ang aking emoness na nakatago saglit sa heart ko hehee,,,panalo taung lahat sa kontest na iyon~~
Napabasa talaga ako from start to end dito ah. Mukhang may pinaghugutan. ^_^
hahaahha,,buti naman walang skip read jokes~~~aruy di masyado,,frustrated writer lng po kaya ganun hehe,,denial much haha
tama! minsan di naman natin kailangan ng lalake para maramdaman ang pag-ibig... maraming pwedeng makapagbigay sa atin nyan... kung nakukulangan ka sa mga taong nagmamahal sayo... isipin mo ang Panginoon hindi SIYA nagkulang sayo.
Salamat po~~
Tama po ikaw may Panginoon na nagmamahal sa atin na walang pag-aalinlangan at ni minsan di Siya nagkulang...
Thanks sa pagdaan po~
Hihi Ikaw na poet!
napadaan uli ter!
oonga! ikaw na ang poet!lolz
@glentot at kayedee: ako na ang frustrated poet..syeetix na love lols~
hang lalim!! hugot na hugot talaga ah!! ^_^
@whitelady:di ka ba nalunod sa lalim?aruy na uber nga hugot mukhng engot ata hehe
chonie i can relate...
hope i can find my man soon...
In GODS time..
sis, koment ako ulit.. :-)
sana sis, makita konadin yung lalake na talagang para sken.. hindi naman ako nagmamadali sis.. hehee
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
padaan unni!!!
nabasa ko na to b4 hnd nlng ng koment. nae EMO din kc ako.
ayos ate. rawlenrol.
:P
patunay lang talaga na sa bawat,nawawala,may kapalit na sumusulpot.sa bawat pintong nagsasara,may ibang nagbubukas.
goodluck sa panibagong yugto ng iyong pag-ibig!
naks, ang lalim ng pinaghugutan at ang lalim rin yata ng sugat.. pero sa huli naghilm naman pala. nice!
@sislen:salamat sa pagbisita ulit^_^wag nlng magmadali para sure hit ang feelings pag dumating na si mr right guy~~
@yin:viva salamt sa pagdaan ulit dito saking crib~
@sows:ok lng yan mag emo di ka nag-iisa hehe~~thanks~
@duking: salamat sa pagbisita~~tama ka po sa tuwing may nawawala papalitan pa ng higit sa nawala sa tin~
@super balentong:naks din haha,,,waaaahhhhhh ingat sa lalim baka mahulog ka~~uu naman nahlom na ayeeiii..apir!salamt~
.. nakakakilig.. kaya nga kapag natagpuan mo na ang pag ibig.. pag ingatan..
nakikibasa, nakidaan na rin at nagmarka ;)
ang galing, ang cheesy sana matagpuan ko din ung para sa akin na bubuo ng aking pangarap...
nabasa ko na,,,
nakakatuwa at nakita mo ang panibago mong pag-ibig...pagkaingatan mo sya at paniguradong ganon din ang isusukli nya sa'yo...
:-)
ang galing ng pagkakasaad ng kwento:-)
tambay lng muna ako d2 ha magbabackread ako san nakalagay kape mo?
@lambing:salamt sa pagdaan pagbasa at pagmarka,,,waahh go kiligin lng ikaw hehe..korek ingatan dapat natin pag natagpuan na ang taong magmamahal satin~
@arnie:thanks,,tama tama mahalin ng lubusan dapt~
@gnehpalle02:thanks~~wah makeso ba?lols~wag mag alala darating yang tamang guy para sau na kasabay mng bubuo ng mga pangarap nu~
@sphere: thanks po~hmmm ang coffee andun po sa kusina hehe,,hot coffee kaya ingat po~
dumaan, nagbasa, at nagpuntos.
ang masasabi ko lang:
best wishes and good for you na masaya ka sa new relationship. parang sa isang game, naglevelup kana dahil sa experience kaya huwag na ulitin ang mga dating pagkakamali. :D
Kaya pala...ngayon alam ko na hehehe...sana maging maligaya ka na sa KANYA...
Ingat!
jag wag padala sa story may halong fake yan ahhahaa,,,,viva ako'y isang ex-rated ai frustrated writer lols~
Post a Comment